Ang nail fungus ay kadalasang nakikita sa kuko natin sa paa. Isa sa mga dahilan ay ang pagsusuot natin ng masikip na sapatos, sa haba ng oras na nakasuot tayo ng masikip na sapatos ay nagdudulot ito ng pagpapawis sa ating paa na dahilan naman para magsimula ang fungus.
Paano Maiiwasan Ang Pagkakaroon Ng Nail Fungus
1. Iwasan ang pagsusuot ng masikip na sapatos.
2. Iwasan ang manghiram ng nail cutter o iba pang gamit na panglinis ng kuko sa ibang tao lalo na kung mayroon itong nail fungus. Maaari kasing makuha mo ang nail fungus sa taong mayroon na nito.
searched from google image for illustration purposes only |
3. Maaari ring magsimula ang nail fungus sa isang trauma. Kung nakaranas ka ng injury sa iyong mga daliri ay maaaring maging dahilan ito upang makapangyari ang mga bacteria at magdulot ng nail fungus. Kaya't kung maaari ay mag-ingat ka sa paglilinis ng iyong kuko. Para sa mga kababaihan, kung maaari ay magpa manicure lamang sa mga kilalang manicurista.
Mas malaki naman ang tsansa ng mga taong mahina ang immune system na magkaroon ng nail fungus. Sa mga ganitong kaso, mas maigi nang kumonsulta sa mga doctor kaysa umasa sa self medication. Maaari kasing magdulot pa sa iyo ng side effects ang pag-inom ng mga gamot laban sa nail fungus lalo na nga't kung mahina ang immune system gaya ng mga taong diabetic, may HIV, at mga taong may mahinang circulatory system. Asahan ang isang mahirap na gamutan nang nail fungus sa mga taong may iba pang karamdaman gaya ng nabanggit.
Tips Para Lunasan ang Nail Fungus
Una sa lahat ay lumapit na sa iyong doktor upang maiwasan pa ang pagkalat. Gaya nga nang nabanggit mahirap gamutin ang nail fungus, at ang totoo pa kahit gumaling na ay maaari pa ring bumalik ito kaya naman ni-rerekomenda ng mga doktor ang paggamit ng anti-fungal cream kahit wala ka nang nail fungus. Ang paggamit ng anti fungal cream ay magbibigay ng 60 %- 80 % chance na hindi na bumalik ang nail fungus.
Isa sa mga kilalang anti fungal cream o topical solution for nail fungus sa Amerika na maaari mong mabili online gamit ang iyong credit card, google checkout o paypal account ay ang ZetaClear.
Ang Zetaclear Homeopathic Nail Fungus Treatment ay isang topical solution na isang mabisang homeopathic spray na lulunas sa iyong nail fungus sa mabilis na paraan.
Muli...
Walang ibang mabisang paraan upang maiwasan ang nail fungus kundi ang maging malinis sa iyong pangangatawan. Kung maaari ay iwasan mo rin ang pagsusuot ng masikip na sapatos, piliin ang pagsuot ng open footwear kaysa sa hindi. Ugaliin din ang pagsusuot ng malinis na medyas at panghuli, iwasan ang pagsusuot ng mga high top boots kung hindi naman kinakailangan.
Lunasan ang nail fungus sa lalong madaling panahon para maiwasan pa ang pagkalat nito.
Comments
Post a Comment