Skip to main content

Exam Na Naman: Tips Para Ma-develop ang Good Study Habits



Exam na naman ba at tipong ang dami mong kailangan kabisaduhin, aralin, at bigyan ng panahon para basahing muli ang mga nagdaang talakayan. Tiyak ko, ang isang bagay na kailangan ma-develop sa iyo ay ang good study habits. Ito ang tips para sa epektibong pag-aaral.

My student when I worked in an English for Koreans Tutorial Center
Pagpaplano at Tamang Paglaan ng Oras

Ano ba ang kailangan unahin, ano ang dapat ihuli sa mga kailangan aralin? Unahin mo ang mga aralin na sa tingin mo ay nangangailangan ng intensibong pag-aaaral, gaya ng mga subject kung saan ka mahina, kung saan mababa ang mga nagdaan mong mga asignatura at mga exams. Bigyan ng mas malaking panahon ang mga ito, pagkatapos ay ang mga madaling aralin naman ang isunod. Remember, good study habits includes how you plan and how you manage your time efficiently.

Pagbabasa

Kung may makitang texto na sa tingin mo ay mahalaga, isang paraan para matandaan mo iyun ay ang pagguhit o pag-highlight ng salitang iyon. Sa ganung paraan, ay magiging madali para sa iyo na balikan ang salitang iyun. Mas mabilis mo itong maaalala. Make notes and a summary of the topic you've read.

from google image for illustration purposes only

Paghanap ng Lugar kung Saan Mag-aaral

Kung may malapit na park sa inyo, duon ka mag-aral. Kapag kasi nakakakita ka ng mga bagay na magaganda gaya ng mga puno, bulaklak, fountains at halaman o anumang kaaya-aya ay na-rerelax ang iyong pag-iisip. Kung magkagayon, mas mabilis kang makakapag-isip, mas mabilis kang makakapagsa-ulo. Also consider going to a quiet place and not crowded.

I-konek ang Pag-aaral sa iyong Karanasan

Para sa mas mahirap na mga aralin, like those lessons that don't need memorization but analization. Isang mabisang paraan ay ang i-relate mo ang mga aralin na ito sa iyong mga karanasan sa buhay. Mas magiging madali para sa iyong isipan na iproseso ang isang bagay na may kinalaman sa iyong buhay. Ika nga ng marami, experience is your best teacher.

Malaking Tulong Para Ma-develop ang Good Study Habits

Marami ring mga libro ngayon sa mga bookstore at mga e-books sa internet pati ang magbibigay tulong sa iyo para ma-develop ang iyong good study habits.


Kailan Ka Dapat Mag-aral?

Sabi nga daig ng maagap ang masipag, kaya naman mas maiging mag-aral ka ilang araw bago dumating ang iyong examination. Huwag mong ugaliin ang ipagpabukas ang mga pwede namang tapusin na ngayon. You should have no room for procrastination and work your tails off to study your lessons as early as possible.

Tamang Oras ng Pag-aaral 


Daig nang maagap ang masipag, one of the good study habits is to study your lessons early or review your lessons ahead of time. Huwag kang magpuyat upang magising ka sa umaga na maginhawa ang iyong pakiramdam. Mas maigi ang pag-aaral sa umaga kaysa sa gabi. Isang masarap na almusal na masustanya ang isa pang malaking tulong.


At Sa Oras Mismo Ng Exam

Huwag Ma-Stress

Maging kalmado ka. Isang mabisang paraan ito para hindi ka ma-mental block sa exam mo. Makakatulong din sa iyo ang pag-inom ng mga stress relief herbal supplement na safe at walang side effects.

Maging Positibo

Ito ang pinakamahalaga sa lahat. Ang matutong maging positibo. Isipin mo na kaya mong gawin, na papasa ka, na ikaw ang magiging top student sa klase ninyo. Ang positibong pag-iisip ay nagdadala ng mga positibong kaganapan sa buhay.

Nagustuhan mo ba ang Exam Na Naman: Tips Para Ma-develop ang Good Study Habits? Share this on your social networking sites. Simple lang, use our new tool bar powered by SkysaBar.

Comments

Popular posts from this blog

Pamahiin Tungkol Sa Kasal (WEDDING SUPERSTITION)

Punumpuno ng mga superstitious beliefs ang mga pinoy tungkol sa kasal (wedding). Kahit na moderno ang panahon ngayon, marami pa rin ang naniniwala sa mga pamahiin wala man itong lohikal na paliwanag o syentipikong eksplanasyon. Nandun pa rin kasi sa atin 'yung pag-uugali na wala namang masama kung maniniwala kaya kahit ipagpilitan pa ng iyong lolo na ito ay coincident lamang, hindi pa rin ito mawala-wala. Magkagayunpaman, hindi mahalaga ang mga ito. Ang mahalaga ay punumpuno ng pagmamahalaan ang mag-asawa, nagtitiwala at may commitment sa isa't-isa at ang kanilang paniniwala sa basbas ng Diyos na sila ay pinagsama upang maging maligaya habambuhay. Anu't-anuman, narito ang ilang paniniwala na sinusunod magpahanggang ngayon at mga hindi na dahil ang iba ay wala na sa hulog. Hindi dapat na isinusukat ng bride ang kanyang wedding dress bago ang kasal dahil baka hindi ito matuloy.  Ang kutsilyo o iba pang mga matutulis na bagay ay hindi dapat na ipinanreregalo sa ikakas...

Tips Para Mawala Ang Sinok (HICCUP)

Hindi kaaya-aya sa pakiramdam ang sinukin (HICCUP) lalo’t nasa harap ka ng isang importanteng meeting o di kaya nama’y first time mong maka-date ang iyong nililigawan. Paano ba mawala ang sinok? Heto ang ilang tips para mawala ang ganitong pakiramdam. Pigilan mo ang iyong paghinga hangga’t sa makakaya mong gawin ito. Takpan mo ng iyong mga daliri ang iyong magkabilang tenga at malumanay na pisilin matapos ang ilang minuto. Yumuko sa baywang at uminom ng tubig habang nasa ganoong posisyon. Kumain ng luya. Sumipsip ng hiniwang kalamansi o lemon. Lumagok ng isang kutsaritang suka Mahigpit na takpan ng paper bag ang iyong bibig. Pagkatapos ay huminga at bumuga ng hangin sa loob ng paper bag. Lumunok ng isang kutsaritang asukal at pagkatapos ay uminom ng tubig. Magpuno ng tasa ng tsaa mga hanggang 2/3 ang pagkapuno. Sunod ay maglagay ng nakasaliwang kutsarita. (i.e ang hawakan sa tasa) at uminom ng normal. Magiging abala ka sa kutsara na huwag malaglag sa tasa habang ikaw ay umii...

Tips Kung Paano Gamitin Ang Oregano Bilang Gamot

Ang Oregano na may scientific name na Coleus Aromaticus ay isang halamang gamot. Ito ay may matapang na amoy, mabango at malambot ang mga sanga. May pagkahugis puso ang hitsura nito na may haba na 2-3 pulgada. Bukod sa ginagamit ito bilang lunas sa mga karamdaman gaya ng ubo at sipon, ang Oregano ay sangkap din sa ilang mga lutuin bilang pampalasa. Mga Benipisyo Ng Oregano: Nakapagbibigay ginhawa ito kung ikaw ay may ubo, sipon o lagnat. Mabuti rin itong lunas kung ikaw ay may sore throat. Lunas din ito kung ikaw ay may UTI  Maigi rin ito kung ikaw ay may stomachache Nakakagamot rin ito ng mga pigsa  Tips Kung Paano Gamitin Ang Oregano: Ilaga ang sariwang dahon ng Oregano sa tatlong tasa ng tubig. Mga 10-15 minutos. Kung ikaw may ubo o sipon, maiging uminom ng isang tasa nito 3 beses sa isang araw.  Kung malala ang iyong ubo. Gawing mas matapang ang paghahanda ng Oregano sa pamamagitan ng pagpiga sa dahon nito at inumin ang isang kutsaritang k...