Skip to main content

Hair Problems: Lunas Sa Paglalagas at Pagkapanot

Isang email ang pinadala sa amin ng isang masugid na tagasubaybay ng Tips Ni Katoto. Ito'y tungkol sa maagang pagkalagas ng buhok o pagkapanot. Ito ang nilalaman ng liham:

Dear Mga Katoto, 

Itago ninyo na lang ako sa pangalang Libra Guy. Ako po ay ofw sa dubai. Ako po ay fan ng inyong blogsite, paborito ko pong basahin lalo na ang inyong tips pangkalusugan at tips kung paano gumanda ang buhay. Ako po ay 26 years old pa lang pero nakakahiya mang aminin, ako po ay napapanot na. Sobrang bumababa ang moral ko sa tuwing nakikita ko sa salamin ang sarili ko. Hindi ko po alam kung anong dapat na gawin. Sana po ay matulungan ninyo ako na makahanap ng solusyon sa maagang pagkalagas ng aking buhok. Maraming salamat po at more power mga katoto.


Maraming salamat sa iyong pagtitiwala Libra Guy. Una sa lahat ay alamin muna natin ang sanhi ng pagkalagas ng buhok nang isang lalaki o babae, binatilyo man o dalaga, lalo na sa may edad na.


Ilan sa mga dahilan nito ay ang kakulangan sa nutrisyon, hormonal imbalance, sakit o karamdaman pati na rin ang stress. Sa kabuuan, ang tunay na sanhi nito ang tinatawag na Adrogenetic Alopecia sa bokabularyo ng medisina o sa madaling sabi, pagkapanot.Ang malala pa, kahit pa sabihing marami sa iyong kapamilya o kadugo ang may ganitong kalagayan ay mahirap pa ring mahulaan kung ikaw pati ay dadanas nito sa hinaharap. Walang pinipiling edad ang pagkapanot, kahit binata o dalaga ay maaaring makadanas nito gaya ng aming email-sender na si Libra Guy.

Ano ang mga dahilan ng pagkapanot o Adrogenetic Alopecia?


1. Mga sakit o karamdaman tulad ng hyperthyroidism, hypothyroidism, sakit sa atay, lupus, at diabetes ay ilan lamang sa mga ito.

2. Para sa kababaihan, sanhi rin ang hormonal imbalance.

3. Mga uri ng medikasyon tulad ng acne medication at chemotherapy.

4. Pag-inom ng diet pills na mayroon amphetamine.

5. Ang sakit sa balat na Alopecia Areata ay isa pa sa mga sanhi ng pagkapanot.

6. Ang tinatawag na Trichotillomania, isang psychological disorder ng isang taong mahilig bunitin ang kanyang buhok.

7. Mga kemikal na ginagamit sa mga Salon ay maaari ring maging sanhi ng pagkapanot kung palagian kang nagpapa-hair treatment.

Paano Maiwasan ang Pagkalagas Ng Buhok?

Iba-iba ang pagtanggap natin sa kondisyon ng pagkalagas ng buhok o pagkapanot. Sa iba, tinitignan nila ito bilang isang karamdamang dapat na bigyan ng maagap na solusyon. Ang iba naman ay pinipili na lamang harapin ang pamimintas ng ibang tao at harapin ang kahihiyan. Ang iba naman, lalo na sa mga kalalakihan ay umiisip na lamang na magpakalbo na lang ,mas katangap-tangap nga naman ito sa panahon ngayon kaysa matawag silang panot o tuksuin ng mga katagang "ang taas ng sikat ng araw"

1. May sakit ka ba na nagiging dahilan ng pagkalagas ng iyong buhok? Makabubuting maaga nang komunsulta sa iyong doktor para maagapan at mabigyan ng lunas.

2. Hangga't maaari ay iwasan ang mga bisyo tulad nang alak at sigarilyo, magsimulang mag ehersisyo at kumain ng sapat sa tamang oras ng pagkain. Maintain a healthy lifestyle as soon as possible.

3. Iwasan ang pagkain ng junk foods. Kung maaari ay ihinto ito at magsimulang kumain ng mga prutas at gulas na mayaman sa bitamina at mga pagkaing may protina.

4. Kung ang trabaho mo ay nagbibigay sa iyo ng stress o pagkapagod, at talagang hindi maiiwasan. Bakit hindi mo subukang bawasan. Mahalagang mag-enjoy ka at umiwas sa mga bagay na nagdadala lang ng kalungkutan, negatibo at paghihirap. Try to mingle with friends, recreate, re-invent yourself, explore and find ways to make yourself happy. Dahil ang totoo, ito ang pinakadahilan kung bakit pwede mong maranas ang pagkalagas ng buhok.

Paano Kung Panot Ka na Talaga?

Kung nagsisimula na talaga ang pagkapanot. Ito ang ilan sa mga solusyon na maaari mong gawin. It might not give you the good effect immediately basta't ang mahalaga, sumubok ka para mahanap mo ang paraan na hiyang sa iyo:



1. Rekomendado namin ang EezyGrow Herbal Hair Grower Solution. May mga natural na sangkap kasi ito na nakapagpapabuti ng daloy ng dugo sa ating anit na nagreresulta naman sa physiological hair growth at hindi inaasahang paglalagas pa ng buhok.
2. Iba pang solusyon ay ang pagsusuot ng wig o hair extension.
3. Kung kaya nang budget mo ay magpa-hair transplant ka.

Kung ano man ang paraan na iyong nagustuhan, nasa iyo ang desisyon. Ang mahalaga humanap ka nang lunas, ang mahalaga ay ang kagustuhan mong ibangon ang iyong sarili sa positibong paraan. Tandaan, laging may pag-asa mga katoto.


Comments

  1. Magandang umaga po,
    Ako po si zeth garcia ng navotas city, nais ko po humingi ng suhestyon o sagot sa aking problema. Mahigit isang taon ko na po dinadala ang sakitn ito, may 2 pabilog n kasing laki ng 5 pisong barya sa ulo ko at wala na itong buhok, lumipas ang isang taon na hindi ko ito naipagamot sa dahilang nahihiya ko sa kalagayan ko. Mabilis maglagas ang aking buhok, manipis, madaling maputol, mabalakubak.
    Gumagamit ako ng anti dandruff shampoo araw araw dahil mabilis mgkabalakubak, hindi na ko nkapagparebond naisip ko po baka isa ito sa mga dahilan.
    Ano po ang sanhi nito, ano po mabisang natural n paraan para sa problema ko?

    Sana po ay matulungan nio ako.
    Salamat po.

    ReplyDelete

Post a Comment

Popular posts from this blog

Pamahiin Tungkol Sa Kasal (WEDDING SUPERSTITION)

Punumpuno ng mga superstitious beliefs ang mga pinoy tungkol sa kasal (wedding). Kahit na moderno ang panahon ngayon, marami pa rin ang naniniwala sa mga pamahiin wala man itong lohikal na paliwanag o syentipikong eksplanasyon. Nandun pa rin kasi sa atin 'yung pag-uugali na wala namang masama kung maniniwala kaya kahit ipagpilitan pa ng iyong lolo na ito ay coincident lamang, hindi pa rin ito mawala-wala. Magkagayunpaman, hindi mahalaga ang mga ito. Ang mahalaga ay punumpuno ng pagmamahalaan ang mag-asawa, nagtitiwala at may commitment sa isa't-isa at ang kanilang paniniwala sa basbas ng Diyos na sila ay pinagsama upang maging maligaya habambuhay. Anu't-anuman, narito ang ilang paniniwala na sinusunod magpahanggang ngayon at mga hindi na dahil ang iba ay wala na sa hulog. Hindi dapat na isinusukat ng bride ang kanyang wedding dress bago ang kasal dahil baka hindi ito matuloy.  Ang kutsilyo o iba pang mga matutulis na bagay ay hindi dapat na ipinanreregalo sa ikakas...

Tips Para Mawala Ang Sinok (HICCUP)

Hindi kaaya-aya sa pakiramdam ang sinukin (HICCUP) lalo’t nasa harap ka ng isang importanteng meeting o di kaya nama’y first time mong maka-date ang iyong nililigawan. Paano ba mawala ang sinok? Heto ang ilang tips para mawala ang ganitong pakiramdam. Pigilan mo ang iyong paghinga hangga’t sa makakaya mong gawin ito. Takpan mo ng iyong mga daliri ang iyong magkabilang tenga at malumanay na pisilin matapos ang ilang minuto. Yumuko sa baywang at uminom ng tubig habang nasa ganoong posisyon. Kumain ng luya. Sumipsip ng hiniwang kalamansi o lemon. Lumagok ng isang kutsaritang suka Mahigpit na takpan ng paper bag ang iyong bibig. Pagkatapos ay huminga at bumuga ng hangin sa loob ng paper bag. Lumunok ng isang kutsaritang asukal at pagkatapos ay uminom ng tubig. Magpuno ng tasa ng tsaa mga hanggang 2/3 ang pagkapuno. Sunod ay maglagay ng nakasaliwang kutsarita. (i.e ang hawakan sa tasa) at uminom ng normal. Magiging abala ka sa kutsara na huwag malaglag sa tasa habang ikaw ay umii...

Seafood Allergy- Tips Kung Anong Dapat Gawin

Ang seafood allergy ay nararanasan ng isang tao kapag ito ay nakakain ng ilang klase ng isda o shellfish at dahil dito ay nagkaroon ito ng reaction sa kanilang immune system at nagdulot ng ilang sintomas ng allergic reaction (rash,hives,pangangati,pamamaga,pagsusuka,diarrhea,pananakit ng tiyan,hirap sa paghinga,pagbaba ng presyon at mawawalan ng malay) at ang seafood daw ay isa sa Top 8 na food allergen kumpara sa soy at milk allergies. Seafood Allergy -Tips On What to Do? Marami sa atin ang nagkaka-allergy sa seafood (shrimp,talaba,lobster,scallops,clams,crabs,squid) subalit, mas marami ang sa shrimp (hipon) at sinasabi na 40% ay may fish allergy (salmon,tuna) at 60% naman ay seafood allergy na nagsisimula sa adulthood. Ang pagkakaroon ng allergic reaction sa ilang muscle protein (tropomycin) na nasa seafood ay posibleng magdulot ng  "anaphylactic shock" kung saan ay biglang  baba ng blood pressure, namamanhid ang dibdib hanggang leeg, namamaga ang lalamunan at dah...