Skip to main content

Love Tips: Paano Makalimutan Ang Ex BF o GF

Isang katoto ang lumapit sa amin at tipong problemado sa kanyang buhay pag-ibig. Galing kasi siya sa isang matinding break-up, isang relasyon na tumagal nang halos tatlong taon. Ang malala pa nito, ninais niyang minsang balikan ang dating kasintahan ngunit huli na, may bago na itong iniibig tatlong buwan matapos ang kanilang paghihiwalay. Ngayon ang nais niya ay tips kung paano mabilis na makakalimutan ang kanyang Ex .


Maaaring kaya ka narito ay tulad mo rin siyang nakakaranas nang depresyon. Tulad mong galing sa isang masaklap na pagtatapos ng buhay pag-ibig. Honestly, getting over your ex isn't really an easy task to do, there are certain steps you need to do to forget the past relationship and move on with your life.

NEW NEW NEW!!! Watch me on youtube para sa tips kung paano maka-move. At wag kalimutan mag-subscribe:) 


Heto ang ilan sa mga paraan na pwede mong gawin para makalimutan ang ex bf/gf mo:

1. Isa sa mga pinakamahirap gawin ngunit epektibo ay ang pagputol sa komunikasyon na nag-uugnay sa iyo sa kanya. I know that this is a torture pero sa simula lang ito. Makikita mo rin ang benefits nito in the long run. Ano bang mga bagay ang nagkokonek sa iyo sa dating kasintahan? Friend mo ba siya sa facebook, mas maiiging burahin na siya sa iyong friend's list. May cellphone number ka pa ba niya at mga messages sa inbox na naka-store? Burahin mo na ito. Magpalit ng sim card kung kinakailangan. Anumang nag-uugnay sa iyo sa kanya, kung nais mo talagang makapag move on nang mabilisan ay maaga pa lang ay putulin mo na.

2. Huwag nang ipilit pa ang hindi na pwedeng mangyari. Ihinto mo na ang ilusyon na minsan kahit isang lingo ay pwede pa kayong magkasama o mag stroll sa mall o mag date kaya sa paborito ninyong restaurant. Isipin mo na lang, may dahilan kung bakit kayo naghiwalay, at may mabigat na rason kung bakit ito nangyari. Kung nais mo talaga siyang kalimutan, higit mong isipin ang mga pangit na nangyari sa inyo sa nakalipas kaysa sa mga matatamis na alaala kasama siya.

3. Hindi naman talaga madaling gawin ito nang mag-isa, kaya't simulan mong makisalamuha sa iyong mga kaibigan, makipag bonding sa iyong mga kapamilya at simulang muling maghanap ng mga bagong makikilala. Malay mo isa sa mga bagong kakilala na ito ang maging bago mong pag-ibig. You can never tell. Ngunit sa kabilang banda ay iwasan mo ang mga kaibigan o kakilala na nag-uugnay sa iyo sa dating kasintahan. Maaari kasing tuksuhin ka nilang muli na balikan ang dating bf/gf, hindi sila makakatulong sa iyo at ito ang dapat mong tanggapin.

4. Magsimulang mag-enjoy, magliwaliw, humanap nang mga pagkakaabalahan. Kahit nga sa bahay lang ay marami kang magagawa, maglinis, magluto at tumulong sa inyong family business kung mayroon man. Keep yourself busy at the same time enjoy your new life.

5. At dahil nga gusto mo nang makalimot. Subukan mong baguhin ang iyong looks. Try to re-invent yourself. Hindi lang artista ang meron nun pati rin mga broken-hearted. Sa mga lalaki, pwede mong subukan na magpa kalbo o magpahaba ng buhok, depende kung anong bagay sa iyo. Pwede mo ring subukang baguhin ang estilo ng iyong pananamit. Dati ka bang emo? Bakit hindi mo subukang i-try ang plain and smart look. Sa mga babae, pwede kang magpaputol ng buhok kuing babagay sa iyo, mag work out, mag diyeta at iba pang magbibigay enhancement sa iyong physical looks. Your new look represents your new life. Sa bagong buhay magsisimula ang bagong pag-ibig.

Sabi Nga...

Hindi nga ganun kadali ang makalimutan ang nakalipas lalo na't kung nagdulot ito sa iyo ng saya, ligaya, tamis at inspirasyon. Ang mahalaga naman ay naghanap ka ng paraan para makalimot at sumubok kang harapin ang bagong buhay sa positibong paraan nang wala siya.

Nagustuhan mo ba ang Tips Kung Paano Mabilis Makalimutan ang Ex Bf o Gf. Share mo ito Katoto.

Comments

  1. agree ako sa tips mo pre.. tested! :D

    ReplyDelete
  2. @ benh

    uy nakarelate siya...heheh...aprub!

    ReplyDelete
  3. ni wall post ko ito sa fb ng bestfriend kong gusto ng mag move on...

    ReplyDelete
  4. gling moeh...d best!!!!!!!!!!!!!!!

    ReplyDelete
  5. @mommy lhen

    salamat po at nawa'y makatulong sa kanya ito

    @anonymous

    maraming salamat sa iyong papuri, nawa'y abangan mo pa ang iba pa naming tips tungkol sa buhay pag-ibig =)

    ReplyDelete
  6. galing! naaliw naman ako sa post na 'to hehe..wish ko rin magshare about lovelife sa blog ko pero diko pa kaya. haha! yun no. 5 na lang ang diko pa nagagawa. malapit na siguro hahahaha!

    ReplyDelete
  7. ka office mate ko sya at friend ko pano gagawin ko..

    ReplyDelete
  8. mahirap kapag palagi mong nakikita ang iyong ex. kaya kung ikaw 'yung tipo ng taong kayang kumawala sa comfort zone ay pwede mong subukan na maghanap ng ibang trabaho. hangga't nakikita mo siya mahihirapan ka. Kung 'di mo pa kayang mag-resign sa trabaho. sumubok ka ng iba pang pagkakaabalahan; pwedeng sports, fashion, blogging, etc. kahit ano na mahahati ang atensyon mo at sa katagalan ay tuluyan ng maglalaho ang nararamdaman mo para sa kanya.

    ReplyDelete
    Replies
    1. Hi PO share ko Lang about SA depression ko.kakahiwalay Lang namin ng bf ko..Bakit now Mahal na Mahal ko pa Rin siya.gusto ko mawala SA ISIP ko siya.di ko din Kaya idelete Ang mga photos nmin.hindi na kami friends SA fb.di ako nag message SA kanya.pero Hindi siya nawala SA ISIP ko.pls advice.thanka

      Delete
  9. ang hirap talaga makalimot,2 days ago ng break kami ng bf q.

    ReplyDelete
  10. hayaan mu na yang bf mu na yan..dami pang iba na mas ok kesa s kanya.

    ReplyDelete
  11. mahirap at masakit... kailangan din siguro pati pictures dapat burahin.

    ReplyDelete
  12. ako
    sali d2 hehehe

    ReplyDelete
  13. MAHIRAP. ako din lagi ko cya nakikita ehhh.. pero paalis na cya baka di na kmi magkita pa dahil pupunta n cya sa ibang bansa.. alam u ba na un din ang rason kung bakit ang ex bf ko ay nag decide na huminto nalang kmi.. masakit kc mahal ko cya at sv nya mahal nya ako ayaw nya lang daw na masaktap p lalo ako ... ewan ko ba.. please help me guyz.. i know i need to stop and forget him but still i love him.

    ReplyDelete
  14. at ang masakit pa ehhh..ung gusto mong magkabalikan kayo pero ayaw na nya..na hindi ka daw nya kayang ipaglaban dahil alam mong kinahihiya ka nya sa mga tao..at isa pa baka brine brain wash na sya ng mga magulang o may nagugustuhan na syang iba..ipinaglaban mo sya kahit sino makabangga mo..pero wala eh...masakit..mula nung may mga kaklase na syang mga pilipino baka nagkagusto na..minsan nawawalan ka na ng pag asa at gusto mo nang magpakamatay o ano...2 years and 2 months kame ng gf ko..wala eh..brineak na ako at pinagmumura pa...

    ReplyDelete
  15. Dami kc naming pingdaraanan tapos bsta2 lang kame mg b break;(

    ReplyDelete
  16. Recently lang kami ng break ng bf ko. actually I tried everything para masave ung relationship namin. Last May 3 2014 lang inistalk ko sya para lang makita yung bago nya. Well it was my mistake. Sa sobrang pagmamahal ko sa kanya I did things na hindi ko naman dapat ginagawa. Nagpapakatanga ako sabi nga ng mga friends namin and it was really a traumatic experience. Sa mga nababasa ko online, what I did is denelete ko yung facebook app ko sa phone para hindi ko araw araw navivisit ung profile nya. Kasi bumabalik lang din lahat. There were times when he cheated. He had s*x with my friend nung mismong araw ng monthsary namin but I still accepted him after that naulit pa with someone else. It was my fault na naging ganun ang relationship namin kasi hinayaan ko lang. But now I'm in the point where unti-unti ko ng tinatanggap na wala talagang patutunguhan ung relationship namin. It was sad kasi anniv na sana namin this coming May 17th. It's hard pero acceptance talaga ang kelangan.

    ReplyDelete
  17. Salamat... At umubra dn ang tips na toh. Mag iisang taon na kaming hindi nagkikita. #stupid love

    Bago pa kmi nagkagalit. Itinuri ko syang Girlfriend ko. Ni kunti wala man lang syang isinukli sa pagiging mabuti ko sa kanya, kaya eto e she-share ko din kung bakit kami nagkagalit DAHIL PINUNTAHAN KO SA KANILA. . btw sana mabasa toh ng babaeng kinatatangahan ko noon..eto tandaan mo NI-BOSES AT ANINO KO HINDI MO NA MAKIKITA. NAKA BAN KA NA NGAYON SA UTAK KO.

    Btw: taga BIGAIN 1.0 SAN JOSE BATANGAS NGA PO PLA AKO 16YRS OLD M

    ReplyDelete
  18. ano po yun nakakasama ko po siya kapag nakatambay kami tapos kahit saan ako magpunta lagi kopa siyang nakikita at may bagay ako na napahiram sa kanyan lalu na kahit magpali ako nang sim alam ko po ung number niya

    ReplyDelete

Post a Comment

Popular posts from this blog

Pamahiin Tungkol Sa Kasal (WEDDING SUPERSTITION)

Punumpuno ng mga superstitious beliefs ang mga pinoy tungkol sa kasal (wedding). Kahit na moderno ang panahon ngayon, marami pa rin ang naniniwala sa mga pamahiin wala man itong lohikal na paliwanag o syentipikong eksplanasyon. Nandun pa rin kasi sa atin 'yung pag-uugali na wala namang masama kung maniniwala kaya kahit ipagpilitan pa ng iyong lolo na ito ay coincident lamang, hindi pa rin ito mawala-wala. Magkagayunpaman, hindi mahalaga ang mga ito. Ang mahalaga ay punumpuno ng pagmamahalaan ang mag-asawa, nagtitiwala at may commitment sa isa't-isa at ang kanilang paniniwala sa basbas ng Diyos na sila ay pinagsama upang maging maligaya habambuhay. Anu't-anuman, narito ang ilang paniniwala na sinusunod magpahanggang ngayon at mga hindi na dahil ang iba ay wala na sa hulog. Hindi dapat na isinusukat ng bride ang kanyang wedding dress bago ang kasal dahil baka hindi ito matuloy.  Ang kutsilyo o iba pang mga matutulis na bagay ay hindi dapat na ipinanreregalo sa ikakas...

Tips Para Mawala Ang Sinok (HICCUP)

Hindi kaaya-aya sa pakiramdam ang sinukin (HICCUP) lalo’t nasa harap ka ng isang importanteng meeting o di kaya nama’y first time mong maka-date ang iyong nililigawan. Paano ba mawala ang sinok? Heto ang ilang tips para mawala ang ganitong pakiramdam. Pigilan mo ang iyong paghinga hangga’t sa makakaya mong gawin ito. Takpan mo ng iyong mga daliri ang iyong magkabilang tenga at malumanay na pisilin matapos ang ilang minuto. Yumuko sa baywang at uminom ng tubig habang nasa ganoong posisyon. Kumain ng luya. Sumipsip ng hiniwang kalamansi o lemon. Lumagok ng isang kutsaritang suka Mahigpit na takpan ng paper bag ang iyong bibig. Pagkatapos ay huminga at bumuga ng hangin sa loob ng paper bag. Lumunok ng isang kutsaritang asukal at pagkatapos ay uminom ng tubig. Magpuno ng tasa ng tsaa mga hanggang 2/3 ang pagkapuno. Sunod ay maglagay ng nakasaliwang kutsarita. (i.e ang hawakan sa tasa) at uminom ng normal. Magiging abala ka sa kutsara na huwag malaglag sa tasa habang ikaw ay umii...

Tips Kung Paano Gamitin Ang Oregano Bilang Gamot

Ang Oregano na may scientific name na Coleus Aromaticus ay isang halamang gamot. Ito ay may matapang na amoy, mabango at malambot ang mga sanga. May pagkahugis puso ang hitsura nito na may haba na 2-3 pulgada. Bukod sa ginagamit ito bilang lunas sa mga karamdaman gaya ng ubo at sipon, ang Oregano ay sangkap din sa ilang mga lutuin bilang pampalasa. Mga Benipisyo Ng Oregano: Nakapagbibigay ginhawa ito kung ikaw ay may ubo, sipon o lagnat. Mabuti rin itong lunas kung ikaw ay may sore throat. Lunas din ito kung ikaw ay may UTI  Maigi rin ito kung ikaw ay may stomachache Nakakagamot rin ito ng mga pigsa  Tips Kung Paano Gamitin Ang Oregano: Ilaga ang sariwang dahon ng Oregano sa tatlong tasa ng tubig. Mga 10-15 minutos. Kung ikaw may ubo o sipon, maiging uminom ng isang tasa nito 3 beses sa isang araw.  Kung malala ang iyong ubo. Gawing mas matapang ang paghahanda ng Oregano sa pamamagitan ng pagpiga sa dahon nito at inumin ang isang kutsaritang k...