Skip to main content

Money Problem: Tips Para Harapin Ang Problema Sa Credit Card



Minsan naisipan mong mag-apply ng credit card sa pag-aakalang makakatulong ito sa iyo sa oras ng pangangailangan. Pero dumating ang pagkakataon...sa hindi sinasadyang pagkakataon ay hindi ka na nakababayad sa credit card, tumaas ang interest, patong-patong hangang sa dumating na ang puntong nakararanas ka na ng mga hindi makatwirang paniningil ng mga kolektor ng credit card debt dito sa Pinas. Ito ang tips kung paano mo sila dapat harapin. Ito ang tips para harapin ang problema sa credit card. 

searched from google image for illustration purposes only
Alamin Ang Karapatan. Maging Maalam Sa Batas

Maraming manloloko kung maraming nagpapaloko. Hindi porke ikaw ang may utang ay para ka nang nakagapos at sunud-sunuran na lang sa kung anong sasabihin ng mga kolektor ng iyung credit card debt. Tandaan, mas lalo mong ipakitang wala kang alam sa iyong karapatan bilang mangungutang, mas lalo kang makakaranas ng mga harassment, pananakot at makakarinig ng mga kasinungalingan mula sa mga ito makuha lamang ang kanilang commission na kung iisipin mong maigi, para sila makakain ay kailangan ka nilang masingil.

Natatakot kang makakulong dahil sa utang mo sa credit card? Basahin mo ito:

1987 Philippine Constitution Article 3 Section 20 
No person shall be imprisoned for debt or non payment of poll tax

At hindi mo kailangan paniwalaan ang alin man sa mga ito na kalimitang galing sa mga credit card debt collectors:

1. Napadalhan ka ng demand letter na nagsasaad ng iyong utang at ang deadline kung kelan mo ito dapat bayaran kung hindi ay sasampahan ka nila ng criminal case RA 8484
Tandaan: defaulting your credit cards is only a civil case. Walang kaso sa n.b.i. at sasabihin kong muli, walang nakukulong rito.
RA 8484 ay para lamang sa mga taong nag defraud ng credit card. Iyung mga nameke ng kanilang identity para sila magka credit card.
2. Nananakot na hindi ka na makakapag-abroad o hindi na makababalik sa Pilipinas.

There's no such thing as travel ban for credit card defaulters. Magliwaliw ka kung saan mo gusto. Wag mo silang problemahin hayaan mo sila ang mamroblema sa iyo.

3. Ipapabarangay ka.
Kelan pa dapat mangialam ang baranggay sa kaso ng natural person laban sa juridical person. Mali ito, kaya kung mangialam si kapitan. Isumbong mo kagad sa munisipyo.

4. May police na darating sa iyong bahay para abutan ka lang ng isang pirasong papel na nagsasaad na tawagin mo si attorney paeng. 

Pulis patola lang iyun. Kunin mo lahat ng detalye tungkol sa pulis na iyon at tawagan ang police station kung saan siya naka-assign. Isa itong uri ng extortion at sila pa ang pwedeng sampahan mo ng kaso.

5. Magtetext ng ganito: you already have a warrant of arrest, you should pay your obligation as soon as possible.

Gaya ng sinabi ko at uulitin ko, ito ay kasong sibil lamang, ang warrant of arrest ay para lamang sa mga heinous crimes. At isipin mo ngang maigi, kung ikaw ang kriminal at i te text kang may warrant of arrest ka na parating, hindi ka ba maghahanap na ng matataguan? Tanong lang.

searched from google image for illustration purposes only

Tips Kung Paano Dapat Bayaran Ang Utang Sa Credit Card

1. Hanapan mo ng statement of account ang iyong credit card debt collector. I doubt if they can give you a certified copy from the bank where you defaulted your credit card. Walang S.O.A na maipakita? Ano ngayon ang utang na kanilang sinasabi. Kung wala nito, walang kasunduan ang dapat na mamagitan sa iyo at sa iyong mga credit card debt collectors. Mahalagang malaman na ang statement of account ay hindi pareho ng billing statement. Mas detalyado ang S.O.A at ito ay awtorisado at pirmado ng Banko kung saan ka may utang.

2. Sabihin na nating naibigay ang lehitimong statement of account, sumang-ayon ka lamang sa staggered payment na alam mong kaya mong bayaran. Kung hindi sila pumayag sa iyong gusto, ay huwag nang makipag-agreement sa mga kolektor at hintayin mo na lamang na sampahan ka na lang ng civil case. Mas makatwiran ang desisyon ng hukuman, maaari pang bumaba ang babayaran mo. Pero I doubt if they will pursue the filing of civil case, sa haba ng proseso at gastos, sa rami ng may utang sa kanila. Come to think of it, pag-aaksayahan ka pa kaya nila ng panahon at pera?

3. Sabihin na nating nasampahan ka ng civil case at sila ay nanalo sa kaso na tiyak naman talaga na sila ay mananalo dahil kahit pagbali-baliktarin mo man ikaw ang may utang. Pero huwag kang mag-alala, paper victory lang ito. Dahil kung wala ka namang pambayad, walang ari-arian. Anong magagawa ng tagumpay nila sa kaso. Eh di wala.

Mga Dapat Tandaan Ng Mga May Utang Sa Credit Card


1. Hindi dahil may utang ka ay ikababawas na ito ng iyong pagkatao. Lahat tayo minsan sa buhay natin ay nakaranas nito. Kaya ang dapat mong gawin ay harapin ito ng buong dunong at may malawak na pang-unawa. Huwag mong hayaang lamunin ka nang problemang ito. Napakaliit na problema ito kumpara sa mga tao sa lansangan na walang makain, at para makakain ay kinakailangan pang manloko at magnakaw.

2. Maging positibo sa buhay. Magbasa ng mga libro na makakatulong sa iyo para maging positibo gaya nang
Think Positive Thoughts na mabibili online via Amazon. You can get quick remedies in all your life's challenges if you always look at the bright side of it. 

searched from google image for illustration purposes only

3. Nagkamali ka. Wala namang taong hindi nagkakamali. In fact, this problem can make you a stronger person. Mas maraming pagkakamali, mas marami kang matutunan. Gaya nga nang laging sinasabi, experiences in life will always be your best teacher.

4. Uulitin ko, huwag magpaloko. Alamin ang iyong karapatan bilang debtor. Kung muli ka pang makaranas ng mga pang-aabuso or any unjust act from these scumbag credit card debt collectors. Pwede mong tawagan ang  Banko Sentral Ng Pilipinas para mahinto ito.

5. Huwag nang kumuha ng credit card. Huwag mong bigyang solusyon ang problema ng isa pang problema. Don't let yourself fall into a never-ending financial marathon. Wala ka pang pambayad. Walang kaso, unahin mo muna ang mahahalaga, ang iyong pamilya, ang iyong sarili bago ang iba.

"Pay your debt at the right time, the right place and to the right person"

Isa na namang tips ang nakatulong sa iyo. Nagustuhan mo ba ang Tips Para Harapin Ang Problema Sa Credit Card Debt. Paki-share po ang post na ito sa inyong mga kaibigan. May iba pang nais na tips? Gamitin po aming comment box na makikita sa aming tool bar o sa kanang bahagi ng aming blog. 
Maraming salamat sa aming reference: Diskarte ( Guidelines on Credit Card Paranoia)


Bookmark and Share


Comments

  1. Hi! Salamat po sa pag-follow mo sakin! Nga pala matanong ko, ano bang madaling aplayan ng credit card? Maliit lang kasi ang sweldo ko kaya medyo kinakapos minsan. Mahirap nang mangutang sa kapitbahay at least sa bangko may benefits pa. :P

    ReplyDelete
  2. @ meg

    mas makakabuti kung palaging cash ka na lang mag bayad. wag mo nang pangarapin ang kapirasong plastic na ito na sanhi ng pahirap sa iba pa nating katoto.

    ReplyDelete
  3. pwede ko na lng ba bayaran ung original na nagamit ko sa credit card instead paying the additional interest?

    ReplyDelete
  4. Sir, thank you SA mga payo nyo SA tunglol SA credit card, sir, meron po akong katanugan SA credit card ko. D po ako makapagbayad ng minimum payment, ngayon po pinadalhan nila ako ng demand letter, kesyo maypunta SA aming pulis SA bahay at SA trabaho , sir, ano po ang maipapayo nyo kung bigyan nila ako ng warrant of arrest. Thanks po sir.

    ReplyDelete

Post a Comment

Popular posts from this blog

Pamahiin Tungkol Sa Kasal (WEDDING SUPERSTITION)

Punumpuno ng mga superstitious beliefs ang mga pinoy tungkol sa kasal (wedding). Kahit na moderno ang panahon ngayon, marami pa rin ang naniniwala sa mga pamahiin wala man itong lohikal na paliwanag o syentipikong eksplanasyon. Nandun pa rin kasi sa atin 'yung pag-uugali na wala namang masama kung maniniwala kaya kahit ipagpilitan pa ng iyong lolo na ito ay coincident lamang, hindi pa rin ito mawala-wala. Magkagayunpaman, hindi mahalaga ang mga ito. Ang mahalaga ay punumpuno ng pagmamahalaan ang mag-asawa, nagtitiwala at may commitment sa isa't-isa at ang kanilang paniniwala sa basbas ng Diyos na sila ay pinagsama upang maging maligaya habambuhay. Anu't-anuman, narito ang ilang paniniwala na sinusunod magpahanggang ngayon at mga hindi na dahil ang iba ay wala na sa hulog. Hindi dapat na isinusukat ng bride ang kanyang wedding dress bago ang kasal dahil baka hindi ito matuloy.  Ang kutsilyo o iba pang mga matutulis na bagay ay hindi dapat na ipinanreregalo sa ikakas...

Tips Para Mawala Ang Sinok (HICCUP)

Hindi kaaya-aya sa pakiramdam ang sinukin (HICCUP) lalo’t nasa harap ka ng isang importanteng meeting o di kaya nama’y first time mong maka-date ang iyong nililigawan. Paano ba mawala ang sinok? Heto ang ilang tips para mawala ang ganitong pakiramdam. Pigilan mo ang iyong paghinga hangga’t sa makakaya mong gawin ito. Takpan mo ng iyong mga daliri ang iyong magkabilang tenga at malumanay na pisilin matapos ang ilang minuto. Yumuko sa baywang at uminom ng tubig habang nasa ganoong posisyon. Kumain ng luya. Sumipsip ng hiniwang kalamansi o lemon. Lumagok ng isang kutsaritang suka Mahigpit na takpan ng paper bag ang iyong bibig. Pagkatapos ay huminga at bumuga ng hangin sa loob ng paper bag. Lumunok ng isang kutsaritang asukal at pagkatapos ay uminom ng tubig. Magpuno ng tasa ng tsaa mga hanggang 2/3 ang pagkapuno. Sunod ay maglagay ng nakasaliwang kutsarita. (i.e ang hawakan sa tasa) at uminom ng normal. Magiging abala ka sa kutsara na huwag malaglag sa tasa habang ikaw ay umii...

Seafood Allergy- Tips Kung Anong Dapat Gawin

Ang seafood allergy ay nararanasan ng isang tao kapag ito ay nakakain ng ilang klase ng isda o shellfish at dahil dito ay nagkaroon ito ng reaction sa kanilang immune system at nagdulot ng ilang sintomas ng allergic reaction (rash,hives,pangangati,pamamaga,pagsusuka,diarrhea,pananakit ng tiyan,hirap sa paghinga,pagbaba ng presyon at mawawalan ng malay) at ang seafood daw ay isa sa Top 8 na food allergen kumpara sa soy at milk allergies. Seafood Allergy -Tips On What to Do? Marami sa atin ang nagkaka-allergy sa seafood (shrimp,talaba,lobster,scallops,clams,crabs,squid) subalit, mas marami ang sa shrimp (hipon) at sinasabi na 40% ay may fish allergy (salmon,tuna) at 60% naman ay seafood allergy na nagsisimula sa adulthood. Ang pagkakaroon ng allergic reaction sa ilang muscle protein (tropomycin) na nasa seafood ay posibleng magdulot ng  "anaphylactic shock" kung saan ay biglang  baba ng blood pressure, namamanhid ang dibdib hanggang leeg, namamaga ang lalamunan at dah...