Skip to main content

Posts

Showing posts from 2014

Vitamins Para Sa Mga Pregnant Mom

Sa pagbubuntis ay kinakailangan na siguraduhin mo na may sapat na bitamin ang iyong katawan para masiguro na okay ang sanggol sa iyong sinapupunan. Ang mga gulay at prutas ay mga mainam na pagkain na may sapat na sustansya para sa mga pregnant mom. At upang makasiguro na may sapat na vitamins ang iyong katawan, ito ang ilan sa mga supplement na mainam din sa pagbubuntis:  1. Nirerekomenda ang pag-take ng 400 mcg na Folic Acid araw-araw hanggang sa ika-12 weeks ng pagbubuntis. Ang nagbubuntis ay makakaiwas sa depekto sa spinal cord ng baby na napag-alaman na may kinalaman pala sa antas ng Folic Acid. 2. Nirerekomenda din ang pag-inom ng 10 mcg na Vitamin D araw-araw sa buong siyam na buwan na pagbubuntis hanggang sa pagpapasuso sa bata. Sa paraang ito ay mabibigyan ng sapat na Vitamin D ang baby, ang bitaminang nakakatulong sa paglaki ng mga buto-buto at iba pa. Ang vitamin D ay nakukuha rin sa pagpapaaraw ng balat pero kung ikaw ay taong-bahay, mainam na uminom ng supplem...

Mga Shampoo At Conditioner Para SA Balakubak O DANDRUFF

--> Dumaranas ka ba ng Balakubak o Dandruff? Hindi na ba ito kaaya-ayang makita kapag nasa opisina ka o eskwela na tipong pinag-uusapan ka na. Huwag kang magalala, ito ang ilang mga produktong Anti-Dandruff na baka sakaling makatulong sa'yo. Herbal Hollywood Style Zero Dandruff Conditioner - ang conditioner na ito ay mayroong lime extract na maaaring makapagpabawas sa iyong mga balakubak. Mayroon din itong hydrating almonds, blackberry at iba pang moisturizing extract kung saan ang target ng mga ingredients na ito ay ang pagkatuyot ng iyong balat sa anit na nagdudulot ng flakes na siyang nagiging balakubak. Sa palagiang paggamit nito , ang iyong buhok ay magiging malusog, wala ng pagtutuklap at wala ng balakubak. Halaga 220 pesos lamang. Organic Care Scalp Anti-Dandruff Conditoning Shampoo - ang shampoo na ito ay mayroong pyrithione zinc na siyang tumutulong para maalis ang pagdami ng iyong balakubak at pati na ang pabalik-balik nito. At para naman maging shiny ang i...

Sanhi Sintomas at Lunas Sa ATHLETE'S FOOT ( ALIPUNGA)

Ang athlete's foot o alipunga ay sanhi ng fungal infection, isang uri ng sakit sa balat sa paa na dulot ng organismong Trichophyton. Maaaari mo itong makuha sa mga mabasa-basang paligid tulad ng palikuran o shower area. Kaya rin pinangalanan itong athlete's foot ay dahil na rin madalas na mga manlalaro ang siyang nagkakahawahan nito dahil iisang lugar lamang ang kanilang pinagliliguan. Tinea pedis naman ang tawag dito sa medical terminology. SYMPTOMS OF ATHLETE'S FOOT Flaking o pagtutuklap ng balat Scaling o pangangaliskis Itching o pangangati sa apektadong bahagi ng balat Pagsusugat ng paa na minsan ay namumula at mahapdi Mabaho ang paa o medyas ng taong mayroong athlete's foot Rekomendadong Lunas:  Gumamit ng Titania Deodorant Athlete's foot soap , isang antibacterial soap na made in Germany na nakakapag-deodorize sa paa. Pinahihinto din nito ang bacteria sa paa na may athlete's foot na nagdudulot ng masansang na amoy. Ang isang botelya ng ...

Tips Para Gamutin Ang Pigsa ( CURE FOR BOILS)

Mas madalas magkapigsa ( BOILS) ang isang taong nakatira sa mainit na lugar, dahil laging pawisin ito lalo na kapag madumi pa ang paligid. Kahit sino ay maaaring magkapigsa, subalit mas madalas itong makita sa mga maruruming katawan, sa mga matataba, may diabetes pati na sa mga pasyenteng may matagal ng karamdaman. Paano ito ginagamot? Makatutulong ang paglagay ng warm compress sa pigsa para ito ay mahinog at lumabas ang nana. Iwasang tirisin ito lalo na kung hindi pa ito hinog. Sa mga may malalaking pigsa at sa maraming pigsa, mainam ang pag-inom ng antibiotic ( cloxacillin 3 x a day) , 7 - 14 days hanggang ang pigsa ay umimpis. Maligo araw-araw at panatilihing malinis ang katawan, gumamit ng anti-bacterial soap sa pagligo.  mula sa bulgar.com.ph, Sabi ni Dok

Tips At Kaalaman Tungkol Sa MUSCLE STRAIN

Ang kadalasang sanhi ng pananakit ng likod ay sakit ng kalamnan o MUSCLE STRAIN kung tawagin. Ang pakiramdam ay parang may pilay ito ay dahil sa maling posisyon ng pagtulog, maling pagbuhat ng malalaking bagay, maling posisyon sa pag-upo na parang nakakuba, nagkaka-edad na o arthritis o kaya ay sobra sa timbang ang isang tao. Halos lahat ng tao ay nakararanas ng sakit ng likod at kahit balakang subalit, ito ay mas nararamdaman pagtuntong ng edad 40 pataas. Mas maaga itong nararamdaman ng mga taong may scoliosis o problema sa likod, obese o sobra sa timbang at sa mga hindi nag-eehersisyo. Makatutulong ang mga sumusunod na tips: Iwasan ang magbuhat ng mabibigat o kaya naman ay huwag yuyuko kapag magbubuhat ng isang bagay. Mag-squat o panatilihing ideretso ang likod sa paghubat ng mabigat na bagay. Makatutulong ang pag-ehersisyo, kung masakit ang likod, hintaying mawala ito bago magsimulang mag-ehersisyo. Kung sobra naman sa timbang ay kailangang magpapayat.  Umupo ng d...

Tulong Ng Macha Almond Butter Salmon Orange at Pistachios

Isang eksperto ang nagpahayag ng ilang pagkain na tinatayang nakapagbibigay ng Omega 3 at Omega 6 fatty acids na kapwa nakapagdudulot at nakapagpapaiwas sa implimasyon na kinabibilangan ng mga sumusunod: MACHA. Ang matcha ay makukuha sa green tea na tinatayang mainam sa tibok ng puso at sa mismong metabolismo na nagtataglay din ng tinatawag na norepinephrine-stimulating EGCG at nutrisyon na mainam sa metabolic rate ng isang tao.  Almond butter. Ang nutty spread na ito na mababa sa glycemic food ay mainam sa pagpapanatiling mababa ng blood sugar level ng isang tao. Ang blood sugar ay kadalasang tumataas at bumababa na hindi maganda sa metabolismo na siyang dapat pag-ingatan. Salmon. Ang masarap at kulay pink na isdang ito ay mayaman sa fatty acids na sadyang makatutulong upang masunog ang fats sa katawan ng isang tao. Ang iba pang fatty fishes tulad ng tuna at black cod ay mainam ding halimbawa.  Orange. Lumabas sa pag-aaral na ang maasim na amoy ng citrus ay nakap...

Mga Dapat Malaman Tungkol Sa MERS CORONAVIRUS

Ayon sa WHO, ilan sa mga common na sintomas ng Middle East Respiratory Syndrome o MERS CORONAVIRUS ay ang mga sumusunod: Acute serious respiratory illness na may kasamanag trangkaso Hirap sa paghinga Pneumonia, sa ibang mga pasyente Gastrointestinal Syndrome tulad ng Diarrhea Wala pang akmang paliwanag kung paanong ang MERS Coronavirus ay ganun kabilis na kumakalat. Ilan sa mga bansang apektado ng virus na ito ay ang mga sumusunod: Jordan Kuwait Oman Qatar Saudi Arabia United Arab Emirates May mga ulat na kaso rin sa mga bansang nasa Europa at North Africa, pero ayon sa WHO ito ay paniguradong mula sa mga kaso ng MERS sa middle east na na-import sa pamamagitan ng secondary transmission. Ilan sa mga pasyente na dumaranas ng MERS Coronavirus ay nagkakaroon ng Kidney Failure. Kalahati sa mga bilang ng taong nagkaroon nito ay mga nangamatay na. Base sa mga impormasyong mayroon. ay minumungkahi ng WHO sa mga myembro nito na sipating maigi ang respiratory infection...

Tips Kung Paano Bumili Sa Amazon - U.S TO PH ONLINE SHOPPING

Naisip mo na bang bumili ng produktong made in the U.S o mga produktong tila sa U.S online shopping websites lamang mabibili? Naisip mo na bang subukan ang Amazon.com at iba pang U.S shopping websites pero tila duda ka dahil baka mataga ka sa taxes na ipapataw ng customs o baka duda kang manakaw o hindi mapadala sa iyo ang inorder mo? Sa totoo lang, ang pag-order mula U.S papuntang PH ay hindi na imposible dahil sa ngayon, ang online shopping sa Pinas ay patuloy na nagiging uso. Pero sa kabila nun, marami sa mga pinoy ang tila hindi pa open-minded para subukan ito sa mga kadahilanang nabanggit sa itaas. Huwag kang mag-alala, ang Pinoy madiskarte kahit sa anong bagay kaya naman maaari mong subukan ang tatlong kompanya sa pinas na nagbibigay tulong sa mga online shoppers upang mas mapadaling matanggap ang item na binili sa halagang abot kaya ng bulsa at isa pa sigurado kang makukuha mo sa panahong itinakda nila. Ito ang tatlong kompanyang nabanggit: Johnny Air Retail Padala P...

Good Benefits Ng AVOCADO Sa Ating Katawan

Ang avocado ayon sa pag-aaral ay mainam sa utak dahil sa fat na nakukuha rito. Lumabas sa pag-aaral na ang pagkain nito ay nakakadagdag upang bumilis at maging alerto ang isang tao sa kanyang pag-iisip. Maaring isang fatty food nga kung ituring ang avocado pero madami itong mabuting dulot sa kalusugan ng isang tao bukod pa sa masarap itong ihain sa meryenda lalo na't sasahugan mo ng gatas,asukal at malamig na yelo o di kaya naman ay gawin avocado shake, perfect meryenda na ngayong summer. Napag-alaman na ang avocado ay nakakatulong din upang pababain ang iyong mataas na kolesterol. Kaya din nitong paliitin ang tsansang magkaroon ng mga sakit gaya ng diabetes, stroke at coronary artery disease. May kakayahan din ang avocado na panatilihing maganda ang hubog ng iyong katawan. Akma rin ito sa mga nagdyedyeta. At panghuli, dahil sa mayaman sa phytochemicals ang avocado ay isa rin sa pwedeng makatulong upang maiwasan ang pagkakaroon ng nakakamatay na sakit na cancer.

Kaalaman Tungkol Sa MALE VASECTOMY

Ang vasectomy ay isang ligtas at epektibong paraan para hindi na magdalantao si misis. Paano ito ginagawa? Simple lamang ang operasyon na ito at hindi dapat ikatakot. Pinuputol ang tubo ng semilya ng lalake ( vas deferens), lalagyan ng anesthesia bago ito isagawa at natatapos sa loob ng 30 minutos. Kahit na-vasectomy na ang isang lalaki, hindi ito magiging sagabal sa sex life nilang mag-asawa at wala itong masamang epekto kay mister. May semen pa rin na lalabas sa lalaki subalit wala itong semilya o sperm cells na siyang dahilan para mabuntis ang ka-partner nito. Kaya kung sa tingin ninyo ay sapat na ang inyong anak at ayaw ni misis magpa-ligate ay walang masama kung si mister ang magpa-vasectomy. Source of info: Dr. Shane Ludovice, bulgar.com.ph, email dok@bulgar.com.ph

Ano Ang Pagkakaiba Ng GASTRITIS at ULCER?

Ang Gastritis at Ulcer ay magkaiba. Sa Gastritis, may gasgas lamang sa loob ng sikmura, samantalang sa Ulcer ay nagkakaroon na ng sugat na humuhukay pailalim ng sikmura o bituka. Kapag nawala ang tamang balanse ng acid at ng protective mucus ng sikmura ay magsisimula ng magasgas ang loob ng sikmura o bituka na mauuwi sa gastritis at kalaunan ay ulcer. Bago sabihing may ulcer ang isang tao ay dapat nating malaman kung saan ito nandoon o kung saang bahagi ng digestive tract matatagpuan ang ulcer. Kung ito ay nasa dakong sikmura ( stomach), ang tawag dito ay gastric ulcer. Kapag doon naman sa dakong duodenum o naunang bahagi ng small intestine matatagpuan ang ulcer, ang tawag dito ay duodenal ulcer. Ang duodenal ulcer ay mas common kaysa gastric ulcer. Ang sintomas na nararamdaman mo ay parang hyperacidity pa lamang at hindi pa ulcer. Kaya mainam na gawing regular ang pagkain ng paunti-unti at iwasang magpalipas ng gutom, mag-relax at makakatulong din ang tabletang antacid. ...

Kaalaman Tungkol Sa Bato Sa URETER

Ito ay artikulong isinulat ni Dr. Shane Ludovice sa pahayagang Bulgar at ating ibinabahagi sa blog na ito para sa pampersonal na kaalaman. Kung nais pa ng karagdagang kaalaman ay maaaring sumanguni sa kanyang email sa dok@bulgar.com.ph. Ang pagkakaroon ng bato sa ureter ay dala ng labis o sobrang level ng calcium sa dugo, sobrang taas ng level ng uric acid at ng iba pang kondisyon. Posible rin ang sanhi nito ay madalas na pagpipigil ng ihi, mahinang pag-inom ng tubig  o impeksyon. Kung ang nabarahan ay ureter ( ito ang tubong nagkokonekta sa kidney at pantog) labis na pananakit ng tiyan ang mararanasan sapagkat humihilab ang mga masel ng nabarahang lugar dahil gusto nitong alisin ang mga nakabarang bato. Kaya dahil sa prosesong ito ay nakararanas ng paulit-ulit na atake ng matinding kirot sa apektadong lugar. Kung minsan ang atake ng pananakit ay sandali lamang dahil ang bato ay nahuhulog sa pantog o kaya sa bituka. Kung ang ureter ang nabarahan ay hindi makaka-function...

Tips For The Graduates: Kung Paanong Hindi Kabahan Sa Job Interview

Graduate ka na, at isa sa mga haharapin mo ay ang pagharap sa iyong first job interview. Itaga mo sa bato na maihahalintulad mo ito sa takot mong magpabunot ng ngipin sa isang dentista. Ito ang pwedeng maging pinaka-worst nightmare mo pero ito din naman ang maituturing mong one of the biggest accomplishments ng buhay mo kapag nakapasa ka.  Huwag kang mag-alala, ito ang ilang mga tips for the graduates para hindi kabahan sa iyong kauna-unahang job interview. Ilang mga proven techniques na maaari mong magamit. Choose for a Morning Interview. Mas maaga, mas kaunti ang nerbyos. Subukan mong sa hapon o gabi ang interview, tiyak ko sa'yong sasakit ang tiyan mo sa maghapon sa kaka-isip kung papasa ka ba o hindi. Kaya maiging piliin ang umaga para saglit na pasanin na lang ito sa'yo. Makapasa, salamat. Bumagsak man, at least panandalian mo lang naramdaman ang tensyon.  Use all of your stock knowledge. Lahat ng mga natutunan sa iyong mga adviser, lahat ng mga napag-aral...

Mga Dapat Gawin Bago Ang Graduation Day

Oras na naman para sa isang bagong yugto ng buhay ng isang estudyante. Maglalakad na sa entablado, kakamayan na ng adviser at principal, sasabitan na ng sampagita ni mama at papa with selfie pick pa habang hawak ang diploma, kahit pa walang medalya ay sapat nang sa wakas Graduate na! Ito na ata ang isa sa pinakamasayang araw sa buhay ng isang estudyante, pero sa kabilang banda ito rin ang isa sa pinakamalungkot dahil marami ng mababago sa buhay niya, at kasama na roon ay ang maiwan niya na ang mga nakasanayan niyang gawin sa isang klase kasama ng mga kaibigan at kaklase. Pero bago natin pag-usapan ang graduation ay ituon muna natin ang pansin sa mga bagay na dapat nating gawin bago ang araw na ito ng pagtatapos. Ito ang ilan sa mga ito: Magsorry sa mga kagalit na kaklase o sa mga nakatampuhan. Kahit ano pang sama ng ginawa sa'yo ay may hatid itong ginhawa dahil mas magaan sa loob na tunguhin ang isang bagong landas ng wala kang bitbit na sama ng loob sa nakaraan. Ami...

Snoring: Sanhi Ng High Blood at Heart Attack

Ayon sa mga mananaliksik, ang paghihilik ng mga kababaihang may edad na at hindi maipaliwanag ang antok nilang nararamdaman sa umaga kasabay pa ng labis na pagbigat ng kanilang timbang ay sinasabing dahilan ng Obstructive Sleep Apnoea na isang uri ng karamdaman na naghihirap sa paraan ng paghinga ng isang tao sa tuwing siya ay natutulog. Base sa mga eksperto, sa tuwing natutulog ang isang tao, ang kanyang airways o daanan ng hangin ay natural na nare- relax at nagiging makitid. Sa pagkakaroon ng isang tao ng karamdamang tulad ng apnoea, ang muscle at soft tissue na nasa paligid ng dinadaaanan ng hangin sa tuwing tayo ay humihiga ay labis na nare- relax at nagko-collapse upang magkaroon ng bara sa daanan ng hangin. At dahil sa pakitid nang pakitid ng daan ay nagaganap na ang nasabing ingay na kilala sa tawag na hilik. Ang nasabing presensya ng hilik ay simula pa lang ayon sa mga mananaliksik, kung hindi mapipigilan ang nabanggit na karamdaman ay tuluyan ng magbabara ang daaa...