Parenting Tips. Sa panahon ngayon, kaliwa't kanan na ang palabas na may akmang violence at isa raw ito sa mga dahilan kung bakit nagiging bayolente ang isang anak lalo na 'yung teenagers. Bukod rito marami pang ibang reason kung bakit nagiging suwail ang kabataan. Heto ang ilang dahilan pati na rin tips para sa iyo bilang magulang upang mapalaki mong hindi violent ang iyong teenagers.
Tips For Parents- How Your Teens Can Avoid Violence |
Ang teenagers na involved sa mga bayolenteng aktibidad ay karaniwang hindi gagawa ng karahasan nang hindi kasama ang kanilang mga kaibigan. Bilang parents, dapat kilala ninyo rin at alamin kung sino ang mga kaibigan ng iyong anak at kung ano ang kanilang mga inuugali kapag magkakasama, dito mo makikita ang babalang sensyales kung malalagay sa gulo ang anak. Mas madaling maimpluwensiyahan ang teenagers ng kanilang mga kaibigan na bayolente, tiyak na magiging bayolente rin ang iyong anak.
Violent Parents
Kung ang mismong parents ng teenager ay abusado, bayolente o nagpapakita ng marahas na ugali sa bawat isa, sa mismong anak o sa iba pang kaibigano kaanak, tiyak na marahas na rin ang ugali ng bata.
Getting Bullied
Ang teenager na biktima ng pambu-bully o tinutudyo kalaunan ay nagiging bayolente at naghihiganti.
Carrying Guns or Harmful Gears
Ang teenagers na madaling makadampot ng armas, lalo na ang baril ay mas madaling kumilos ng pagiging violent o nagiging mapaghiganti.
Neighborhood Quarrel
Sa sandaling ang mga bata ay nakasasaksi lagi ng mga magugulong krimen o madalas na may bayolenteng karahasan na nagaganap sa kapitbahayan, tiyak na tutuluran din nila ang mga ugaling ganun.
Bad Media Exposure
Mayroon ding papel ang media para sabihing naiimpluwensiyahan ng pagkabayolente ang teenager. Kung ang teens ay madalas o gustong manood ng mga pelikulang magulo, maglaro ng video games na pawang highly violent ang tema o nakikinig sa musikang may bayolenteng liriko, higit na masasagap niya ang ugaling pagka-bayolente.
Mental Health Issue
Ang hindi rin maayos na kaisipan ay isa ring bagay na dahilan kung bakit nagiging bayolente o magulo ang kabataan. Kabilang sa hindi malusog na kaisipan ng bata ay ang kawalan ng tiwala sa sarili, kalungkutan, karahasan ng pang-aabuso, katatapos lang na traumatic stress disorder, conduct disorder at pag-aalala.
Drug Abuse
Kapag nagdodroga ang isang teenager, higit silang aakto ng bayolente at magulo lalo na kapag nasa impluwensiya ng droga.
Prenatal Causes
Ang Prenatal na pagkahantad sa droga, alcohol at maging ang kemikal na lead ay nagiging dahilan ng pagkasira ng isipan at lumilikha ng kahirapan para makontrol ang pangugulo, pagka-agresibo o pagrerebeldeng ugali, kabilang na sa panahon ng pagiging teenager o mas maaga pa.
Failing Grades
Ang mga teenager na bagsak ang marka o grado sa klase ay mas natetensyon sa eskuwela at nagiging bayolente o agresibo ang ugali. source: Bulgar writer: Nympha Miano-Ong
Parents play an important role sa magiging pag-uugali ng inyong mga anak na teenager. Kaya't dapat na sa tahanan magsimula ang tamang paghubog sa kanila. Ipakita at iparamdam sa kanila ang pagmamahal. At gabayan sa kanilang paglalakbay sa buhay.
Comments
Post a Comment