Monday sickness? Bakit ba mayroon taong hirap na hirap na kumbinsehin ang sarili na lunes na, kailangan mo nang pumasok sa skul o di kaya nama'y kailangan mo ng magtrabaho. May scientific basis ba ang Monday sickness? Kung mayroon, anung mga bagay ang pwede mong gawin para paglabanan ito.
Ayon sa mga
eksperto, mayroong scientific explanation kung bakit lahat tayo ay nakararanas
ng tinatawag na Monday sickness. Ang ating body clock ay nag-o-operate nang mas
matagal pa sa 24 oras. Kaya kapag dumarating na ang Lunes, humuhugot pa tayo ng
pahinga na hindi bababa ng isang oras.Here are some
tips:
Give yourself an
extra hour to nap. Maglaan ng ekstrang oras, kung kaya mo, mag-extend ka pa ng
isang oras sa iyong pagtulog pagdating ng Lunes ng umaga. Hindi makatutulong
kung matutulog ka ng maaga kinagabihan dahil hindi ka agad dadalawin ng antok
liban na lang kung iyon talaga ang oras mo ng pagpapahinga ayon sa iyong body
clock.
Finish all your
tasks before you sleep especially those with deadlines. Siguraduhin mong
nakahanda na ang lahat bago ka matulog upang makapag-extend ka pa ng pahinga
kinabukasan kung sakaling gusto mo.
Prepare all the things that you need to
bring before Monday comes, para hindi ka nagagahol sa oras.
Jump out of your
bed. Tumalon paalis ng iyong higaang hinihila ka pabalik sa pagtulog. Ang
dahan-dahang pagbangon ay hindi makatutulong upang malabanan ang Monday
sickness. Ang biglang pag-alis sa kama ay hudyat na ikaw ay gising na gising na.
Shower yourself
with cold water. Gumamit ng malamig na tubig kapag maliligo. Para matanggal ang
iyong pagka-groggy, mas maigi kung tatapusin mo ang iyong pagligo gamit ang
malamig na tubig. Siguradong tanggal ang antok mo nyan sa pagdampi ng malamig na
tubig sa iyong katawan.
Do a morning
exercise. Ang pag-e-exercise sa umaga ay tumutulong upang maging maayos ang
sirkulasyon ng iyong dugo at mapalabas ang iyong feel good endorphins.
Take a cup of
coffee. Bukod sa tumutulong ito para tayo ay maging alerto, ang pag-inom ng
kape nakapagbibigay ng lakas sa ating kakailanganin upang umpisahan ang Lunes
ng maayos.
Plan your Monday
activities. Bago ka umuwi ng biyernes ng hapon, siguraduhin mo munang nakaplano
na ang iyong mga gagawin sa umaga ng Lunes upang ito ay maging masaya at
tolerable. Make a to-do-list and leave it in your desk.
Source: Bulgar
credits to: Nympha Miano Ang
Comments
Post a Comment