Hassle ang biyahe kapag umuulan lalo na sa mga estudyante. Aalis ka ng bahay na todo plantsado ang damit at nice ang grooming pero dahil sa biyaheng traffic at maulan ay losyang ka nang makararating ng skul. Heto ang ilang tips para sa mga estudyanteng commuter kapag maulan ang panahon:
Tips for Student Commuter This Rainy Season |
Sleep Early. Isipin mong malayo ang iyong papasukan at walang magagawa ang driver kapag na-late ka. Lalung-lalo na ang kapwa mo pasahero sakaling nauhan ka sa pagsakay.
Learn your priorities for today. Ipagpabukas mo na ang mga bagay na hindi naman mahalaga sa ngayon. Applicable lamang ito upang maaga kang makatulog. Kung magbabasa ka lang naman ng magazine o libro, ipagpabukas mo na ito upang maaga kang magising kinabukasan. Ipagpatuloy mo na lang habang nasa biyahe o kung naghihintay ka ng masasakyan.
Prepare your rain gears. Maging boy o girl scout ka. Dalhin mo ang iyong payong, alcohol, tisyu, jacket, plastic, ekstrang tsinelas, damit, battery, flashlight, radio/transistor at kahit ano pang makatutulong sa iyo sakaling ma-stranded ka o susugod ka sa ulan.
Stock food or snack. Sa sobrang lakas ng ulan o sama ng panahon, mahirap nang lumabas o magbiyahe. Kaya kung palagi kang nagugutom, mas makabubuti kung mag-iimbak ka ng pagkain.
Find alternate route. Sakaling baha sa iyong daraanan, bago ka umalis ng bahay ay mag-search ka muna ng mga alternatibong daan o ruta papunta sa iyong paroroonan. Aba, panahon yata tayo ng teknolohiya kaya isang click mo lang sa computer o sa iyong cellphone, may alam ka na agad.
Compose yourself. Kapag na-late ka na,maghunus-dili ka lang. Nakaiirita rin kasi lalo na sa iyong katabi kung galaw ka nang galaw dahil hindi ka mapakali. Tandaan mong ikaw ang may kasalanan kung bakit ka na-late.
Stay healthy. Panatilihing malusog ang iyong pangangatawan. Para hindi ka laging absent, kumain ka ng gulay at prutas upang lumakas ang iyong resistensya. Ang ulan ay nagdadala ng sakit kaya nararapat lamang na maging malakas ka.
Basahin din ang Mga Tips Para Sa Commuters Ngayong Tag-ulan
source: Bulgar credit to:Nympha Miano Ang
Comments
Post a Comment