Marami sa atin ang nawawalan ng lakas ng loob para sumubok ng iba pang bagay. Sa kabuuan, marami sa atin ang takot na hindi magtagumpay. Takot na humarap sa iba’t ibang pagsubok na maaaring magresulta sa isang lalong mahirap na kondisyon. Kaya’t nanatili sila sa isang kalagayan kung saan lang sila nakararamdam ng ginhawa, kung tawagin ay Comfort Zone.
Ang pagliban mo sa iyong Comfort Zone ay di nangangahulugang
nais mong makaranas ng mga negatibong bagay sa iyong buhay. Bilang isang tao na
nais umunlad at nais ng pagbabago sa iyong buhay, hindi ka dapat na matakot
pakawalan ang iyo ng mga kinasanayan ng gawin sa araw-araw.
Kaya’t para sa ilan na nais sumubok ng bagong challenge sa
kanilang buhay. Ito ang tips kung paano makawala sa inyong comfort zone na
tiyak na makatutulong sa iyo na madiskubre pa ang iba mo pang kakayahan,
talento at abilidad para lalo ka pang umunlad sa iyong buhay.
Tanungin mo ang iyong sarili. Hindi naman porke’t mayroon ka
na ng isang bagay sa iyong buhay ay ito na lang ang makapagpapasaya sa iyo.
Tanungin mo ang iyong sarili kung ano pa ang mga bagay na pwede mong gawin para
magkaroon ng bago sa buhay mo. Kung ikaw ay mag-isang nakatira malayo sa gabay
ng iyong magulang at ikinalulungkot mo ito sapagkat sana’y iniisip mo na kasama
mo na lang sila para hindi ka nahihirapan- bakit hindi mo tanungin ang sarili
mo kung ano ang mga bagay na pwede mong baguhin para hindi mo maranas ang
lungkot. Ang pagbabago sa iyong pamumuhay ay may hatid na maturity sa iyong
pagkatao at tinutulungan ka nitong mas lumawak ang iyong pag-iisip.
Kailangang handa kang magsakripisyo. Gaya ng halimbawang mas
nais mong manood na lamang ng telebisyon para mag-enjoy kaysa sumama sa
imbitasyon ng iyong mga kaibigan na sumali sa isang yoga class. Dahil alam mong
mas madaling mag-relax sa bahay sa harap ng telebisyon, mahiga at kumain, ay
tatanggihan mo ang mabuting dulot ng Yoga para ikaw ay ma-relax dahil ayaw mo ng
sakripisyo. Dapat mong baguhin ang ganitong pag-iisip.
Ang buhay ay nararapat lamang na puno ng mga pagsubok.
Kailangan mo ng challenge para makawala ka sa iyong comfort zone. Ganoon lamang
kasimple iyon. Ang lahat ng pangyayari sa iyong buhay, mahirap man ito sa una
ay makapagpapatatag sa iyong pagkatao. Kung takot kang sumubok at madapa hindi
ka matututo at hindi mo matutuklasan ang iba mo pang kayang gawin. Kaya’t huwag
kang matakot na sumubok sapagkat walang masama rito.
At ang huli, ay limutin mo na at pakawalan ang nakaraan.
Huwag kang magpatalo sa mga alaala ng nakaraan na siyang nagpapahirap sa iyo sa
kasalukuyan. Sapagkat ang mga alaalang ito ay nagdudulot lamang sa iyo ng mga negatibong
emosyon gaya ng kalungkutan at paghihinagpis. Ang unang hakbang para kalimutan
ang nakaraan ay ang paggawa ng mga bagong aktibidad.
Sabi ni Setyaningrum Rosdiana, isang pyschologist, ang
tapang na sumubok ng bago sa iyong buhay ang siyang magbubukas ng bagong
opurtunidad para sa iyo upang ikaw ay magtagumpay.
Source: medicmagic.net

Comments
Post a Comment