Heto pa ang ilan sa mga kakaibang paraan para linisin ang kotse o sasakyan mo para pogi points ka naman sa nililigawan mo. Hindi lang dapat maganda ang kotse mo, dapat mabango rin. Parang tao lang iyan, hindi na bale kung gwapo o maganda, kung may body odor ka naman, huwag na lang. Anyway, here are the unique and useful ways to clean your car:
clean your car tips |
Hair conditioner for your car. Tama ang narinig mo,syempre ginagamit ito sa buhok lalo na ng mga chick pero mainam din ito sa paglilinis ng kotse. It has lanolin content that is very efficient para magmukhang makintab ang hitsura ng iyong sasakyan. Idagdag pa na nagtataboy din ito sa patak ng ulan para hindi naninikit.
Soda to clean the windshields. Matapos na maulanan ang sasakyan, ang maruming salamin ay nagiging problema. Pero huwag mag-worry, sapagkat maiiwasan ang mantsa na dulot ng ulan mula sa pagbuhos ng soda sa mga salamin.
Share the Vodka. Mainam ito sa paglilinis ng kotse at maituturing na washing fluid. Ganito ang gawin: paghaluin ang tatlong tasa ng vodka (iyung mumurahin ang piliin mo), apat na tasa ng tubig at dalawang kutsarita ng liquid dishwashing detergent sa isang palangganita saka ito haluing mabuti na siyang ipanlilinis sa bawat bahagi ng sasakyan o kotse.
Make the headlight looks shiny using old stockings. Pakintabin ang ilaw. Mapapanatiling malinis at malinaw ang headlights ng sasakyan at mula sa pag-a-apply ng window cleaner at pagkuskos ng husto gamit ang lumang pares ng stockings. Siguraduhing 'di na iyun ginagamit ng nanay mo katoto kundi lagot ka.
Ammonia to clean the blades. Mainam na paghaluin ang 1/4 na tasa ng ammonia sa isang quart ng malamig na tubig. Marahang itaas ang blades at punasan ang bawat sulok gamit ang malambot na tela o paper towel na ibababad sa solusyon. Saka punasan ang blades gamit ang tuyo at malinis na tela.
Baking soda is the way. Gamit ang baking soda ay pwede mo ng malinis ang iyong kotse. Mainam na magbuhos ng baking soda sa isang galon ng anumang lagayan at haluan ito ng kalahating tasa ng dishwashing liquid at sapat na rami ng tubig, takpan ito at saka alug-alugin. Ang kombinasyong ito ay mabisang solusyon bilang panlinis ng kotse.
O ano pareng katoto! Tiyak na mai-impress sa'yo ang nililigawan mo kapag may kotse kang poging pogi sa bango at linis. Maaari mo ring basahin ang Tips kung paano mapapanatiling mabango ang sasakyan at iba pang kakaibang paraan para linisin ang kotse mo.
source: Bulgar credits to: No Problem ni Ms. Myra
Comments
Post a Comment