Hook na hook ang ating kids sa paglalaro ng computer games. Hindi naman masama ito kung hindi lalabis sa paglalaro sapagkat lahat ng sobra ay may dulot na masamang epekto. Kung minsa’y mas madalas na sila sa pagbababad dito kaysa tapusin ang kanilang assignment sa school. Ano nga bang mayroon sa computer games bakit ang lakas ng hatak nito sa kabataan. And also what are the good and bad effects of computer gaming to your kids? Ito ang ilan sa mga dapat mong malaman tungkol dito.
Effects of Computer Games For Kids |
Computer games can make your kids violent. Naanalisa sa
pag-aaral ang epekto ng violent games sa kabataan. In the study made by Indiana
University School of Medicine, naglabas sila ng brain data at ipinakita na ang
pagkahantad sa violent computer games at iba pang media ay nakaaapekto sa parte
ng utak na responsable sa pagdedesisyon at control sa ugali. Habang na-aadik sa
violent computer game ang iyong kids ay nagiging bayolente rin ang ugali nila,
habang ang iba ay di naman apektado. The experts and game manufacturers both
agreed that violent computer games should be played at the right age range. At
syempre, hinay hinay lang sa paglalaro.
Computer games can affect your kid’s social life. Sa
maraming kabataan, ang paglalaro ng computer games ay pangunahing komposisyon
ng kanilang pangkalahatang karanasan sa lipunan. Sa isang Research study,
ipinakita na higit sa kalahati ng kabataan ay naglalaro ng computer games sa
iba’t-ibang paraan. Sa 42% na paglalaro kontra ibang tao sa isang silid nang
higit sa kalahating oras. Maging ang internet ay may maraming players sa isang
game mula sa isang remote location. Ang games na lalaruin ng maramihang players ay may koneksyon sa iba
pang dako kung saan siya naroon. Ang relasyong ito ay may negatibong epekto.
Ipinakita ng Pew Research study na ang kabataan ay dumaranas ng pagkamuhi,
pagkainis at may apekto rin sa kanyang sexual behavior habang naglalaro ng
online games.
Bagamat may masamang epekto ang paglalaro ng computer games
ay mayroon naman itong dulot na maganda para sa mga avid players gaya ng kids
mo. Basta’t lalaruin lamang ito ng hinay-hinay:
Kids can improve their computer skills. May ebidensiya na
ang paglalaro ng computer games ay nakatutulong para sa eye-hand coordination.
Ang kabataang ito na naglalaro ng computer games ay natututong gamitin ang hand
controls at nakapagmamani-obra sa kanilang complex game environment. Ang computer games din ay
madalas na nagbibigay-hantad sa iba’t ibang uri ng teknolohiya na may
aplikasyon sa iba pang bahagi ng buhay at trabaho.
Source: Bulgar credits to: Nympha Miano Ang
Comments
Post a Comment