Skip to main content

Paano Limitahan Ang Kids Sa Pagko-Computer



Ngayong alam na natin ang mabuti at masamang epekto ng paggamit ng computer sa ating mga anak lalo na’t sa computer games at online gaming. Bilang magulang, ay responsibilidad mo na ipaalam sa kanya na ang labis na pagbababad sa computer ay hindi makabubuti sa kanyang kalusugan.

The 1-2 hour usage of computer should only be for educational purposes and school works, ito ay ang nirerekomenda ng American Academy of Pediatrics- ito ay matapos na mayroon ng kaso ng pagkamatay sa labis na paggamit ng computer o pagka-adik sa online gaming ng kabataan.

Here are the tips on how you can help limit your kids from his computer usage:

The computer should be accessible to a place in your house where you can monitor his usage. Ilagay mo ito sa lugar ng inyong bahay kung saan makikita mo at ma-oorasan mo ang paggamit niya ng computer. Halimbawa ay sa sala ng inyong bahay.

Explain to your kids that computer should only be use for educational purposes. Kailangang ipaliwanag mo sa kanila na hindi ito para sa magdamag na online gaming o pag-browse ng mga hindi importanteng bagay sa kanilang edukasyon. Ito ay dapat na gamitin lamang sa paggawa ng assignment,proyekto o homework. Pwede mo ring bigyan siya ng free day o free hour kung kailan niya lang pwedeng gamitin ito para sa libangan tulad ng online games o facebook.

Set time of usage. Magtakda ng time limit. Ang games at websites ay dapat nang i-off sa pagtakda ng timer.

Teach the kids on how to improve his computer skills. Tulungan mo ang bata na matuto ng computer efficiency tulad ng tamang pagtitipaat keypadding. I-bookmark ang favorite sites niya para hindi siya makapunta sa ibang web address. Lagyan siya ng index card para sa avatars at passwords sa bawat site.

Guide them in online surfing etiquette. Bigyan ng oras o panahon na turuan ang bata sa tamang pag-b-browse ng website, ituro ang good at bad effects nito sa kanya.

Teach them the importance of computer. Kailangang turuan ang anak sa computer lalo na at lumalaki ang bata. Ipaliwanag na ang kanilang gagawin at titingnan sa computer ay naka-monitor.

Avoid your kids from accessing chat rooms. Ipagbawal siya na magkaroon ng chatmate. Ipaliwanag ang peligro ng pakikipag-chat sa kahit sino para maintindihan niya ang panganib. Hikayatin sila na maging alerto sa anumang nakasususpetsang mga taong makikipag-chat sa kanila.

Encourage them to outdoor activities. Hikayatin siya sa halip sa mga outdoor activity, sports at iba pang hobbies at kung maaari, magkaroon ng maraming magagamit na bagay para mahirati siya sa sports kaysa ang magbabad sa computer.
Source: Bulgar credits to: Nympha Miano-Ang 


Comments

Popular posts from this blog

Pamahiin Tungkol Sa Kasal (WEDDING SUPERSTITION)

Punumpuno ng mga superstitious beliefs ang mga pinoy tungkol sa kasal (wedding). Kahit na moderno ang panahon ngayon, marami pa rin ang naniniwala sa mga pamahiin wala man itong lohikal na paliwanag o syentipikong eksplanasyon. Nandun pa rin kasi sa atin 'yung pag-uugali na wala namang masama kung maniniwala kaya kahit ipagpilitan pa ng iyong lolo na ito ay coincident lamang, hindi pa rin ito mawala-wala. Magkagayunpaman, hindi mahalaga ang mga ito. Ang mahalaga ay punumpuno ng pagmamahalaan ang mag-asawa, nagtitiwala at may commitment sa isa't-isa at ang kanilang paniniwala sa basbas ng Diyos na sila ay pinagsama upang maging maligaya habambuhay. Anu't-anuman, narito ang ilang paniniwala na sinusunod magpahanggang ngayon at mga hindi na dahil ang iba ay wala na sa hulog. Hindi dapat na isinusukat ng bride ang kanyang wedding dress bago ang kasal dahil baka hindi ito matuloy.  Ang kutsilyo o iba pang mga matutulis na bagay ay hindi dapat na ipinanreregalo sa ikakas...

Tips Para Mawala Ang Sinok (HICCUP)

Hindi kaaya-aya sa pakiramdam ang sinukin (HICCUP) lalo’t nasa harap ka ng isang importanteng meeting o di kaya nama’y first time mong maka-date ang iyong nililigawan. Paano ba mawala ang sinok? Heto ang ilang tips para mawala ang ganitong pakiramdam. Pigilan mo ang iyong paghinga hangga’t sa makakaya mong gawin ito. Takpan mo ng iyong mga daliri ang iyong magkabilang tenga at malumanay na pisilin matapos ang ilang minuto. Yumuko sa baywang at uminom ng tubig habang nasa ganoong posisyon. Kumain ng luya. Sumipsip ng hiniwang kalamansi o lemon. Lumagok ng isang kutsaritang suka Mahigpit na takpan ng paper bag ang iyong bibig. Pagkatapos ay huminga at bumuga ng hangin sa loob ng paper bag. Lumunok ng isang kutsaritang asukal at pagkatapos ay uminom ng tubig. Magpuno ng tasa ng tsaa mga hanggang 2/3 ang pagkapuno. Sunod ay maglagay ng nakasaliwang kutsarita. (i.e ang hawakan sa tasa) at uminom ng normal. Magiging abala ka sa kutsara na huwag malaglag sa tasa habang ikaw ay umii...

Seafood Allergy- Tips Kung Anong Dapat Gawin

Ang seafood allergy ay nararanasan ng isang tao kapag ito ay nakakain ng ilang klase ng isda o shellfish at dahil dito ay nagkaroon ito ng reaction sa kanilang immune system at nagdulot ng ilang sintomas ng allergic reaction (rash,hives,pangangati,pamamaga,pagsusuka,diarrhea,pananakit ng tiyan,hirap sa paghinga,pagbaba ng presyon at mawawalan ng malay) at ang seafood daw ay isa sa Top 8 na food allergen kumpara sa soy at milk allergies. Seafood Allergy -Tips On What to Do? Marami sa atin ang nagkaka-allergy sa seafood (shrimp,talaba,lobster,scallops,clams,crabs,squid) subalit, mas marami ang sa shrimp (hipon) at sinasabi na 40% ay may fish allergy (salmon,tuna) at 60% naman ay seafood allergy na nagsisimula sa adulthood. Ang pagkakaroon ng allergic reaction sa ilang muscle protein (tropomycin) na nasa seafood ay posibleng magdulot ng  "anaphylactic shock" kung saan ay biglang  baba ng blood pressure, namamanhid ang dibdib hanggang leeg, namamaga ang lalamunan at dah...