Let's be careful in choosing what Hotels and where to stay. Ayon sa mga eksperto marami sa cheap hotels ang naglipana na pinamumuhayan ng mga germs at bacteria. Isa-alang alang mo ang iyong kalusugan katoto bago ka pa man magpahinga sa isang Hotel matapos ang isang napakahabang biyahe.
Cheap Hotels- Prone to Germs and Bacteria |
Experts warn us! Ang pag-stay sa mga mumurahing hotel ay sanhi ng iba't ibang sakit dahil sa bacteria o germs na pwede mong makuha rito.
Nariyan ang hotspot ng germs sa hotel room tulad ng light switch ng kuwarto, telepono, TV remote, gayundin ang mga toilet at bathroom dito ito ay gawa ng hindi nakasisigurong paglilinis at pag-sa-sanitized sa mga kasangkapan at lugar nito.
There is a big chance that the hotel is contaminated, na ang buong paligid ay pinamumuhayan ng bacteria na may dala ng maraming uri ng sakit dahil sa hindi ganoon kadali o 'di basta-basta namamatay, bagkus ay mabilis ang pagdami ng mga mikrobyo rito.
Based on their studies, ay nakakolekta sila ng mahigit 19 na sample ng bacteria sa 13 hotel rooms sa 3 states sa US na kinabibilangan ng Texas, Indiana at South Carolina.
Kumuha sila ng swap sample sa mga ito at isinalang sa test sa laboratory kung saan nakita ang common bacteria na tinatawag na aerobic bacteria.
Kabilang dito ang germs na sanhi na matinding sakit tulad ng streptococcus at staphylococcus na isa sa natukoy sa test ang bilang din ng mga fecal bacteria coliform.
Ang mga spot naman sa murang hotel na may low level ng bacteria contamination ay nasa headboard ng kama, kurtina at door handle sa banyo na pinayuhan ng American Soceity of Microbiology ay kailangang maging SOP ang pagkakaroon ng improvement at gawing regular ang cleaning practices sa mga ito.
It is advisable for the housekeeping manager of the hotels to still pay attention to the cleanliness and sanitation for their clients or guests. Hindi porke't mura lang ang bayad ay dapat na silang maging pabaya sa kalusugan ng kanilang mga parokyano.
Ipinayo sa mga hotel staff na gumamit ng tamang hotel cleaning equipment tulad ng gloves, mop, sponge at disinfectant para sa paglinis at pagbisita sa bawat kuwarto ng hotel.
source: Bulgar credits to: Icee Reen Labareno
Comments
Post a Comment