Skip to main content

Tips Para Lagi Kang Good Morning



Good Morning! Napakasarap bumangon sa umaga, but some of us feel the challenge on waking up early in the morning. Oo nga naman, minsan kapag masaya o masarap ang panaginip ay hirap bumangon. Minsan bad trip ka pa kapag may nangigising sa'yo tulad ng alarm clock mo o ang pagtatalak ng ermat mo. Pero magkagayon, thank you life! Kasi buhay ka pa. Heto ang ilan sa tips para lagi kang good morning, magagandang paraan para simulan ang umagang kay ganda: 
How to Start Your Good Morning
Take a good sleep and enough rest. Magkaroon ng sapat na tulog. Ang 6 hanggang 8 oras na tulog sa gabi ay tiyak na makatutulong sa iyo upang maging handa at masigla sa kinabukasan. Habang tayo ay tumatanda, our body needs more time to rest and nap. 

Prepare your things during night time. Kung alam mong matatagalan ka sa pagpili ng damit, sa paghahanda ng iyong dadalhin at iba pa, lalo't kung may business appointment ka kinabukasan ay siguraduhing naka-alis ka na ng iyong bahay sampung minuto na mas maaga sa oras na iyong nakasanayan upang maaga ka ring makarating sa iyong trabaho.

Take your yummy breakfast. Ang iyong healthy breakfast ay kailangan ng iyong katawan. Nakatutulong ito upang maging masigla at malakas ka sa mga kakaharapin mo sa buong araw. Minsan kasi, tayo ay nagiging moody dahil hindi tayo nakapag-almusal ng tama o sapat. You don't need to have a complete meal. Siguraduhin lang na makakukuha ka ng maraming protein para makaraos ka hanggang sa dumating ang tanghali. Heto ang ilan sa mga healthy breakfast na rich sa protein.

Enjoy some activities. Gumawa ng mga aktibidad na magpapagising sa iyong utak at katawan. Ang ilan ay umiinom ng kape sa oras na sila ay magising, habang ang iba naman ay nagjo-jogging o nagla-lakad-lakad para magising ang kanilang diwa at katawan. Puwede ka ring kumanta sa banyo at magpatugtog ng ilang masasayang kanta habang inaayos mo ang iyong higaan or if you are preparing your breakfast. All these activities can lead your body and mind in a positive direction.

Be thankful for the new day. Simulan ang iyong araw na puno ng pasasalamat. Araw-araw umupo ka at magsulat ng kahit tatlong bagay na ipinagpapasalamat mo. Minsan, sa lahat ng pressure at busy nating buhay, we forget to be thankful for the blessings.

Start your day with a positive aura. Simulan ng may positibong pananaw. Wala nang makasisira pa ng iyong araw maliban sa pagsisimula nito ng negatibo. Walang puwang ang negative thinking, kaya umisip ka ng paraan para laging i-motivate ang iyong sarili. Pwede mong simulan ang iyung umaga sa pagbabasa ng mga motivational and inspirational quotes. 

Compose yourself. Mag-meditate ka at isipin mo na ang iyong buong araw nang maaga. Mag-isip ng ilang paraan upang makagawa ka ng kakaiba sa araw na parating. Set your goals for this day and do everything to achieve it. Ang pagkakaroon ng goal at pagkakamit nito ay magpapanatili sa iyong kondisyon.
source: Bulgar credits to: Nympha Miano-Ang



Comments

Popular posts from this blog

Tips Para Mawala Ang Sinok (HICCUP)

Hindi kaaya-aya sa pakiramdam ang sinukin (HICCUP) lalo’t nasa harap ka ng isang importanteng meeting o di kaya nama’y first time mong maka-date ang iyong nililigawan. Paano ba mawala ang sinok? Heto ang ilang tips para mawala ang ganitong pakiramdam. Pigilan mo ang iyong paghinga hangga’t sa makakaya mong gawin ito. Takpan mo ng iyong mga daliri ang iyong magkabilang tenga at malumanay na pisilin matapos ang ilang minuto. Yumuko sa baywang at uminom ng tubig habang nasa ganoong posisyon. Kumain ng luya. Sumipsip ng hiniwang kalamansi o lemon. Lumagok ng isang kutsaritang suka Mahigpit na takpan ng paper bag ang iyong bibig. Pagkatapos ay huminga at bumuga ng hangin sa loob ng paper bag. Lumunok ng isang kutsaritang asukal at pagkatapos ay uminom ng tubig. Magpuno ng tasa ng tsaa mga hanggang 2/3 ang pagkapuno. Sunod ay maglagay ng nakasaliwang kutsarita. (i.e ang hawakan sa tasa) at uminom ng normal. Magiging abala ka sa kutsara na huwag malaglag sa tasa habang ikaw ay umii

Pamahiin Tungkol Sa Kasal (WEDDING SUPERSTITION)

Punumpuno ng mga superstitious beliefs ang mga pinoy tungkol sa kasal (wedding). Kahit na moderno ang panahon ngayon, marami pa rin ang naniniwala sa mga pamahiin wala man itong lohikal na paliwanag o syentipikong eksplanasyon. Nandun pa rin kasi sa atin 'yung pag-uugali na wala namang masama kung maniniwala kaya kahit ipagpilitan pa ng iyong lolo na ito ay coincident lamang, hindi pa rin ito mawala-wala. Magkagayunpaman, hindi mahalaga ang mga ito. Ang mahalaga ay punumpuno ng pagmamahalaan ang mag-asawa, nagtitiwala at may commitment sa isa't-isa at ang kanilang paniniwala sa basbas ng Diyos na sila ay pinagsama upang maging maligaya habambuhay. Anu't-anuman, narito ang ilang paniniwala na sinusunod magpahanggang ngayon at mga hindi na dahil ang iba ay wala na sa hulog. Hindi dapat na isinusukat ng bride ang kanyang wedding dress bago ang kasal dahil baka hindi ito matuloy.  Ang kutsilyo o iba pang mga matutulis na bagay ay hindi dapat na ipinanreregalo sa ikakas

Seafood Allergy- Tips Kung Anong Dapat Gawin

Ang seafood allergy ay nararanasan ng isang tao kapag ito ay nakakain ng ilang klase ng isda o shellfish at dahil dito ay nagkaroon ito ng reaction sa kanilang immune system at nagdulot ng ilang sintomas ng allergic reaction (rash,hives,pangangati,pamamaga,pagsusuka,diarrhea,pananakit ng tiyan,hirap sa paghinga,pagbaba ng presyon at mawawalan ng malay) at ang seafood daw ay isa sa Top 8 na food allergen kumpara sa soy at milk allergies. Seafood Allergy -Tips On What to Do? Marami sa atin ang nagkaka-allergy sa seafood (shrimp,talaba,lobster,scallops,clams,crabs,squid) subalit, mas marami ang sa shrimp (hipon) at sinasabi na 40% ay may fish allergy (salmon,tuna) at 60% naman ay seafood allergy na nagsisimula sa adulthood. Ang pagkakaroon ng allergic reaction sa ilang muscle protein (tropomycin) na nasa seafood ay posibleng magdulot ng  "anaphylactic shock" kung saan ay biglang  baba ng blood pressure, namamanhid ang dibdib hanggang leeg, namamaga ang lalamunan at dah