Ang sakit na lupus ay isang kondisyon na umaatake sa ating mga healthy cell at tissue kapag ang ating immune system ay na-kompromiso. Ang ating immune system ang siyang nangangalaga sa ating katawan mula sa mga sakit at karamdaman, ngunit may mga pagkakataong kapag tinamaan ang ating katawan ng sakit ay may reaksyon ang ating immune system na atakihin pati ang ating healthy cells at tissues.
from google image for illustration only |
May iba't ibang uri ng Lupus:
Different types of Lupus
- Systematic Lupus Erythematosus- may kakayahang maapektuhan ang iba't ibang bahagi ng ating katawan.
- Dicoid Lupus Erythematosus- madalas na pamamantal ng balat.
- Subcacure cutaneous lupus Erythematosus- pagkakaroon ng skin sore sa balat na bilad sa araw.
- Drug-induced Lupus-sanhi ng mga gamot o medikasyon.
- Neonatal Lupus- mga kakaibang variation na nakakaapekto sa mga sanggol.
Sintomas ng Lupus
Symptoms of Lupus
- Hugis paro-parung pantal na makikita sa bahaging ilong hanggang sa pisngi na kung tawagin ay malar rash.
- Pinsala sa bato ang isa pa sa mga karaniwang sintomas kung saan ang kakayahan nitong mag filter ng toxin ay nawawala. Ang mga pasyente ay makararanas ng pag-ihi na mabula o kulay tsaa.
- Lubhang matinding joint pains ang mararanasan ng pasyente. Pati pamamaga ng mga daliri,tuhod, kamay at ilan pang bahagi ng katawang karaniwang tinatamaan ng arthritis.
- Pagiging sensitibo ng balat sa sikat ng araw. Madalas na pagkakaroon ng mga pantal. Depende kung gaano kalala ang sakit, maaaring maging sensitibo rin sa iba pang ilaw gaya ng fluorescent ang pasyente.
- Ang pasyente ay makararanas ng matinding sakit ng ulo,pagkahilo,vision problem pati na banta sa pagkaka stroke.
Iba pang sintomas ang pagkakaroon ng lung problems, fatigue, lagnat, body swelling, pagsusuka, pagbawas ng timbang, depresyon at pagkalagas ng buhok.
Dahilan ng Pagkakaroon Ng Lupus
Causes of Lupus
May mga teoryang nagsasabing malaki ang kontribusyon ang paligid, hormones, heredity, at ang ilan pa ay mula sa viral infection, bacterial infection, ilang mga medikasyon na may preskripsyon, madalas na pagbibilad sa araw, Ilan pang teorya na nagsasabing ang dahilan ng lupus ay ang stress, maling pagkain, artificial sweetener, silicone brea$t implant, at mga toxic na kemikal.
Panganib Ng Lupus
Risk Factor
Kahit sino ay maaaring magkaroon ng lupus ngunit kadalasan ito sa mga babae. Mas madalas na ang sakit na ito ay tumatama sa mga Afrikan Amerikan, Hispanik, Asyano, at mga native Amerikan. Halos 10 porsyento din ng mga pasyenteng may lupus ay may mga kapamilya ding mayroon at magkakaroon ng ganitong uri ng karamdaman.
Mga Natural Na Lunas Sa Lupus
Natural treatment for Lupus
Marami sa mga pasyenteng may Lupus ang nasisiyahan sa mga natural na lunas sa lupus pagkat walang side effects ang mga ito. Di tulad ng mga prescriptive medicine na nagdudulot ng abnormal na pagdagdag sa timbang, thinning bones, high blood pressure atbp. Heto ang ilan sa mga natural na lunas sa Lupus:
- Ang mga pasyenteng may lupus ay nagbabawas ng kanilang pagkain. Maiging limitahan ang pagkain at mga iniinom tulad ng pagkain ng mga karne o pag inom ng gatas ng baka.
- Maaari ring subukan ang ilan sa mga herbs at supplement tulad ng pagkain ng black walnut.
- Ginhawa rin ang dulot ng acupuncture sa mga pasyenteng may lupus.
- Malaking tulong ang regular na pag-eehersisyo pati na rin ang pagyoyoga o meditation.
Ang lupus kapag hindi ito naagapan ay maaaring magdulot ng mga komplikasyon tulad ng tuluyang pagkasira ng kidney, central nervous system, baga,blood vessels, at puso. Pati na ang panganib ng kanser.
Bakit kailangang i chemo ang may SLE? If ma chemo sya, mawawala na ba ang sakit na ito at tuluyan na po bang gagaling? Tnx po
ReplyDelete