Weight Gain. Marahil nga mas marami ang gustong pumayat kesa magpataba pero ang totoo hindi ganun kadali ang magdagdag ng timbang tulad rin ng kung paano gustong magpapayat ng ilan. Disiplina sa sarili ang kailangan rin para sa mga gustong madagdagan ang kanilang timbang. Here are some tips on how you can gain weight the natural way:
from google image for illustration only |
- Iwasan mo ang mga heavy exercises o iyong mga ehersisyo na kinakailangan ng masyadong pagpapawis This will not help you to gain weight. Imbes na ikaw ay tumaba ay lalo ka lang papayat.
- Limitahan mo lamang ang iyong pag-eehersisyo sa pagpu-push up,stretching,pull-ups,jogging,atbp maliban sa weight lifting. Ang mga aerobic exercise na ito ay nakakadagdag sa iyong appetite na ang resulta ay pagdagdag sa iyong timbang.
- Iwasan mo ang pagkain ng mga hindi masusustansyang pagkain tulad ng junk foods, o pagkain ng sobrang keso o mantikilya.
- Ang dapat idagdag mo sa iyong pagkain ay ang mga ito; cereals, prutas, at gulay.
- Kumain din ng mga pagkaing sagana sa bitamina at enerhiya tulad ng kasoy, pasas, at almonds.
- Regular na ehersisyo ang kailangan. Mga 40 minutos kada araw na hindi lalagpas sa limang beses sa isang linggo ay pwede na.
Gawin mo ang mga ito at tiyak kong sa loob lamang ng dalawang buwan ay makikita mo na ang pagbabago sa iyong pangangatawan. Enjoy your journey to your weight gain katoto!
Comments
Post a Comment