Varicose Veins? Problema mo ito lalo na't may outing ang barkada na kinakailangan mong magsuot ng bikini o swimming trunks. Nakakahiya naman kasing makita nila ang tinatago mo sa iyong binti. Iyun na nga ang varicose veins na kung para sa iba isa lang itong cosmetic problem pero sa ilan din isa itong nakakatakot na problemang pangkalusugan Ang sanhi ng varicose veins ay Venous insufficiency.
Sabi ni Dr.Vicky Belo, kilalang dermatologist ng mga sikat na artista "70 porsyento ng mga babae ang dumaranas ng varicose veins habang 30 porsyento naman ang mga lalaki" (Salamat Dok)
from google image for illustration only |
What About Varicose Veins?
Ang varicose veins ay karaniwang nakikita sa lower extremities na hitsurang naka-alsang mga ugat na parang buhol buhol ang hitsura. Karaniwan nga sa lower extremities makikita dahil sa mas madalas tayong naglalakad at nakatayo na siyang nagdudulot ng presyon sa ating mga veins.
Varicose Vein: Risk Factors and Symptoms
Nasa panganib ka ng pagkakaroon ng varicose veins kung sa trabaho o libangan mo ay madalas ang iyong pagtayo o paglalakad.
Isa rin ang edad na maaaring sanhi ng varicose veins sapagkat habang tayo ay nagkaka-edad ay nawawala ang pagkalastiko (elasticity) ng veins na siyang nagbabanat sa mga ito.
Ang pagbubuntis ay isa ring dahilan ng varicose vein. Habang nagbubuntis kasi ay dumadami ang bilang ng dugo ngunit kasabay nito ang pagbaba ng pagdaloy ng dugo papunta sa ibabang bahagi ng katawan (lower extremities)
Iba pang risk factor ang sobrang katabaan, genetics, at pagtayo ng matagal sa parehong posisyon.
Natural Treatment To Varicose Veins
Elevation. Maaaring humiga sa sofa o kama at maglagay ng unan sa ilalim ng iyong binti na tipong nakapantay sa iyong dibdib.
Hindi makatutulong ang pagsusuot ng masisikip na pantalon.
Mag-diyeta, kumain ng masusustansiyang pagkain. Kontrolin ang timbang sa pamamagitan ng pagkain ng mga high fiber foods. Ang mga low salt diets ay nakakatulong din upang makontrol ang pamumuo ng mga fluids sa iyong lower extremities.
Igalaw ang mga binti. Mag ehersisyo.
Ang natural na paggamot o solusyon sa varicose veins ay hindi na nga nangangailangan ng anumang surgical procedure at ito'y kaya mong gawin sa loob ng iyong bahay. Panganib sa iyong kalusugan ang dulot nito kaya't habang maaga pa'y agapan na.
Like my Tips For Natural Treatment of Varicose Veins? Like us on Facebook.
Comments
Post a Comment