Kulugo o Wart- ito ay isang uri ng impeksiyon sa balat at katabing mucous membrane na dala ng human papillomavirus. Dahil sa virus ang sanhi nito, posibleng naihawa ito sa iyo ng isang kasamahang may kulugo. Ito ay karaniwang nakikita sa iba't ibang bahagi ng katawan tulad ng mukha,leeg,kamay,braso,paa,puwerta,anus at iba pa.
from google image for illustration only |
Plantar wart-kulugo na tumutubo sa talampakan.
Palmar wart-ito naman ay sa palad tumutubo.
Venereal wart/genital warts- maging sa ari.
Ang paggagamutan sa kulugo ay depende sa lokasyon nito,sukat,bilang,edad ng pasyente at medical history. Madali lamang alisin ang warts lalo na kung sa leeg lamang. Sa ganyang lokasyon, kadalasang ginagawa rito ang tinatawag na electrocautery na kung saan ay sinusunog ang mga kulugo. Ligtas naman ito at di gaanong masakit dahil pinapahiran muna ng anesthesia. Pwede rin ang pag-aaply ng mga freezing agent like liquid nitrogen or carbon dioxide snow. -
source: Sabi ni Doc Bulgar by shaine ludovice m.d
Comments
Post a Comment