Tulad ng pagkakaroon ng taghiyawat sa mukha ay isa ring mabigat na problema ng ilan ang pagkakaroon ng taghiyawat sa katawan partikular sa bahaging dibdib,leeg,braso at likod (Body Acne). Dahil sa baradong pores, ang mga bakterya ay dumadami na nagiging sanhi ng taghiyawat o acne.
from google image for illustration only |
Sa dami ng mga lumalabas na produkto sa merkado, kung minsan hindi mo na alam kung ano ba ang totoong makakatulong sa'yo at kung ano ba ang hiyang sa'yo. Kung kaya naman ay maaari mong subukan ang ilan sa mga simpleng tips na makatutulong sa iyo upang mawala ang iyong body acne o taghiyawat sa katawan.
Body Acne Remedies
- Importanteng ipagpahinga mo ang iyong katawan na malinis. Kung may mga taghiyawat sa iyung likod ay gumamit ng malambot na bimpo at marahang ipunas sa bahaging apektado. Importanteng huwag madiin ang pagkakapunas mo para maiwasan ang pagputok ng mga taghiyawat. Gumamit ng mild soap.
- Malaki rin ang benepisyo ng paggamit ng oatmeal at mainit na tubig. Isang beses sa isang linggo ay pwede mo itong gawing oatmeal mask para sa iyong balat.
- Maganda rin ang pipino, pwede ka ring gumawa ng cucumber mask. Ipahid sa apektadong bahagi at laanan ng 20 minutos bago hugasan ng maligamgam na tubig.
- Ugaliing uminom ng maraming tubig. Walong beses sa bawat araw.
- Mahalaga pa rin ang pagkakaroon ng balance diet. Ugaliing kumain ng prutas at gulay.
- At ang huli ay regular na uminom ng vit. A,E and C na nagbibigay ng proteksyon sa balat.
Ano Ba Ang Sanhi (Cause) Ng Body Acne?
- Madalas na pagpapawis
- Mga pagbabago sa katawan (hormonal changes) tulad ng pagbubuntis, madalas ang mga buntis ay prone sa taghiyawat.
- May mga balat na sensitibo sa mga ginagamit na produkto tulad ng sabon, facial wash at facial scrub.
Body Acne Scars
May mga taghiyawat na nag-iiwan ng marka o scars. Ito ang ilan sa mga solusyon para mawala ang mga ito:
- Maigi ang lemon o kalamansi, ipahid sa bahaging apektado. Gawin ito bago ka magsabon ng balat.
- Ang olive oil ay nakatutulong para mapanatiling makinis ang iyong balat.
Like mo ang tips katoto para malaman din ng iyung mga kaibigan ang tungkol dito. Like us on Facebook
Comments
Post a Comment