Ang Psychic o medium ay mga taong sinasabing kayang makadama ng mga paranormal activity tulad ng multo at mga nakikita niyang mga mangyayari in the future o sa nakaraan. Ang ilang tao ay isinilang na may ganito nang pakiramdam o gifted na talaga, bagamat ang mga professional na clairvoyant ay nagsabi na namamana umano ang naturang abilidad tulad din ng husay sa paglalaro ng basketball.
Naniniwala ang maraming pro psychic na kung papraktisin ang ilang ehersisyo ay may tsansa ang indibidwal na ma-develop ang psychic abilities.
from google image for illustration only
Free tips on how to develop your psychic abilities:
|
- Mag-meditate mag-isa sa isang tahimik na silid. Isara ang iniisip at damdamin sa anumang bagay sa halip ay mag-focus nang todo sa sarili sa mga oras na iyon.
- Dumampot ng mga maliliit na bagay mula sa bahay. Pag-aralan nang malapitan ang bagay. Ang matitigan ng husto ang kanyang kabuuang hugis at damdamin maging ang kanyang mga kapintasan ay mahalaga. Ipikit ang mga mata at ilarawan ang bagay. Sikaping matandaan ang bawat detalye hinggil dito. Buksan ang mga mata at muling tingnan ang naturang bagay, ang masubukan na matandaan ang detalye na hindi maimadyin ay gawin at saka muling ipikit ang mga mata. Ulitin hanggang sa ang dalawa ay magtugma ng eksakto, maperpekto ang iyong inner vision.
- Piliin ang isa sa pitong basikong kulay ng bahaghari; red,orange,yellow,green,blue,indigo at violet. Ipikit ang mga mata at ilarawan ang kulay ng iyong isipan.Ilarawan ang bagay at iba pang may kaugnayan sa naturang kulay. Magpokus sa isang partikular na kulay at saka magpokus sa iba pang kulay ng bahaghari. Ulitin ang lahat ng basikong kulay.
- Ilarawan ang ibang tao,bata o kaibigan sa isipan. Isara ang mga mata at sikaping tandaan ang bawat detalye hinggil sa kanilang hitsura. Ilarawan ang kaanak sa isipan na hindi mo nakikita nang palagi pero close na rin naman sa iyo. Tanungin ang sarili kung kumusta na kaya sila at kung ano ang kanilang nararamdaman ngayon. Hayaang magkaroon ka ng sarili mong kasagutan sa iyong sariling tanong. Ang hindi pagpansin sa anumang lohikal na paliwanag kung nasaan sila sa isang partikular na oras sa naturang araw. Hayaang ang sagot ay simpleng galing sa iyo, maging mula sa kulay man,hugis,simbolo o damdamin.
- Ulitin ang Steps 1 hanggang 5, araw-araw. Magsisimula nang matanggap ang mga bagay na magkakaiba at mas akma. Magtanong ng iba-ibang tanong kapag uulitin ang step 5; kapag maraming personal na mga tanungan, higit na maraming enerhiya na ating matatanggap. - source: bulgar article by Nympha Miano Ong
Comments
Post a Comment