Alam mo bang ang printer mo ay pwedeng magbigay sa'yo ng part time na pagkakakitaan o maliit na negosyo? Maaari kang kumita sa isang buwan ng higit 5,000 pesos. Hindi na masama para sa madaling sideline. Alamin ang iba't ibang ideya sa pagkakaroon ng isang printing business.
from google image for illustration only |
Ito ang 5 paraan para kumita at makapagsimula ng printing business kahit nasa bahay ka lang.
5 Printing Business Ideas
1. Printing Documents. Samantalahin ang panahon ng eskwela, maraming mga proyekto at homework ang mga estudyante ngayon na nangangailangan ng printer. Ilan sa mga madalas na ipa print ng mga estudyante ay research paper, baby thesis, term paper, at marami pang iba. Alam mo bang sa 10 estudyante, 3 lamang sa mga ito ang may printer sa bahay. Kaya't tiyak na patok ito lalo na't ang bahay mo ay malapit sa pampublikong eskuwelahan.
2. Resume Printing. Kung may alam ka sa paggawa ng resume ay maaari ka ring mag-alok ng serbisyong gaya nito. Tulungan mo ang iyong kliyente na pagandahin ang kanyang resume at pati pag-print ay sa iyo na rin syempre. Madami sa mga pinoy ngayon ang naghahanap ng trabaho. Madalas ang pangangailangan ng resume printing tuwing magbabakasyon pagkat marami ring mga estudyante ang naghahanap ng part time jobs.
3. Photo printing. Sa Pilipinas, hindi ka in kung walang kamera ang iyong cellphone o kung wala kang digital camera. At syempre ilan sa mga gumagamit nito ay nais na ipa print ang kanilang litrato. Mas malaki ang singil mo rito pagkat gagamit ng maraming kulay at dahil dun, mas malaki ang kita mo.
4. Calling Cards and Invitation Cards. Matuto ng kaunting kaalaman sa pag le layout ng design gamit ang adobe photoshop o application na katulad nito para maidagdag mo ito sa iyong maliit na printing business. Patok ito lalo na't kung marami kang kilalang kaibigan na madalas na magpa party o mga freelance workers.
5. T Shirt Heat Transfer Digital Printing. Kung may ipupuhunan maaari mo ring subukan ang personalized tshirt business. Nangangailangan ito ng isang heat press machine at magandang printer ( kadalasan ay gumagamit ng Continuous Ink Supply System) para makapagsimula ng t-shirt digital printing business.
Ano pang iyong hinihintay? Gamitin na ang iyong printer para kumita ng pera habang nasa bahay ka. Magsimula na ng iyong printing business.
Comments
Post a Comment