Isa ka bang Diabetic at nakikita mong umiitim at unti-unting namamatay ang kuko? Masasabing may fungal infection ang mga kuko mo at kung tawagin ito ay Onychomycosis . Ang sakit na ito ay dala ng iba't ibang fungus at made-detect lamang kung anong fungi kapag ineksamin sa laboratoryo ang sample ng iyong kuko. Medyo matagal ang proseso ng pagkasira ng kuko, una ay mawawala muna ang natural na kislap ng kuko at pagkatapos ay magiging malutong na ang mga ito. Magkakaroon ng parang mga bitak o kayod at kung minsan pa nga ay parang kinain ng uod ang hitsura ng kuko at nagiging impektado rin ng katabing mga tissue o cuticle. Madalas magkaroon ng onychomycosis ay mga taong ang trabaho ay nakababad ng matagal ang mga kamay sa tubig, 'yung mga may ingrown toe nail, mga taong mababa ang resistensya laban sa impeksyon tulad ng mga diabetic o umiinom ng steriod drugs at 'yung madalas magkaroon ng "paronychia" o pamamaga ng balat sa paligid ng kuko. Sa mga
Health.Money.Love.Lifestyle.Etc