Sa ngayon maraming pag-aaral ang nagsasabing dahilan ng dehydration sa ating katawan ang caffeine content na nilalaman ng ilang inumin tulad ng soda, kape at tsaa. Pero ayon sa Huffington Post, may isang pag-aaral tungkol sa caffeine na kabaligtaran sa mga nabanggit.
Ang mga tagapagsaliksik mula sa La Trobe University
Victoria,Australia ang nagsasabing kahit
pa kailangan ng katawan ang 2 litrong fluid kada araw, hindi naman
nangangahulugang kailangan nating uminom ng tubig para masunod ang 8 glasses a
day na panuntunan.
Ayon pa sa mga ito, ang isang tao ay maaaring makakuha ng
sapat na fluid hindi lang sa tubig maging pati sa mga pagkain at beverages na
kanilang kinukonsumo, maging ito man ay caffeinated drinks tulad ng tsaa at
kape.
Sabi pa ni Dr. Spero Tsindos – Hindi lang naman tubig ang
pwedeng maging solusyon sa dehydration, kahit pa ang mga caffeinated na inumin
gaya ng tsaa at kape ay pwedeng punan ang kakulangan ng katawan sa fluid. Ang
mga ito ay hindi magiging dahilan ng dehydration.
Idagdag pa niya ang pag-inom ng maraming tubig ay
nakatutulong para hindi makaramdam ng gutom na malaking bagay naman sa mga nais
magpapayat ngunit mas maigi naman ang pagkain ng mga prutas at gulay na mayroong
mas higit na benepisyo sa mga nagbabawas ng timbang.
Source: medicmagic.net
Comments
Post a Comment