Ang kolesterol (cholesterol) ay mahalaga sa pagbubuo ng cell membranes at sa produksyon ng hormone. Ngunit kung mayroong labis na dami ng bad cholesterol ay pwedeng makasagabal sa daloy ng dugo sa ating utak na maaaring magresulta sa stroke. Potensyal din na panganib ang bad cholesterol sa pagkakaroon ng coronary heart disease.
Ang kolesterol ay sukatan ng fats sa ating dugo. Ang LDL (low density lipoprotein) ay isang uri ng bad
cholesterol na maaaring magdulot ng sagabal sa blood vessels na dahilan ng
stroke at iba pang sakit sa puso. Para sa malusog na kondisyon, ang LDL ay
dapat na mababa sa 150 mg/ dl.
Sa kabilang banda, ang HDL (high density lipoprotein) ay
isang uri ng good cholesterol na tumutulong alisin ang LDL sa ating artery.
Mainam na ang ating katawan ay mayroong good cholesterol. Ang HDL ay hindi
dapat na bumaba sa 40 mg/ dl. Mas maigi naman ang kondisyon kung ito ay higit
sa 60 mg/ dl.
Para makaiwas sa kolesterol ay kinakailangan nating
kumonsumo ng mga masusustansyang pagkain. Isang magandang halimbawa ang
mansanas. Malaking benepisyo sa ating kalusugan ang fiber na makukuha natin sa
pagkain na ito.
May dalawang klase ng fiber ang mansanas. Ang una ay ang
insoluble fiber na hindi kayang tunawin ng ating katawan at ang isa naman ay
kabaliktaran na kung tawagin nama’y soluble fiber. Ang dominanteng uri ng soluble
fiber ng mansanas ay ang pectin, ang content nito ay umaabot sa 81 %.
Ang insoluble fiber ay nakatutulong sa atin na makaiwas sa
kanser. Ang soluble fiber naman ay para
makaiwas tayo sa mataas na cholesterol level. Sa pagkain pa lang ng mansanas sa
isang araw, pwede nang magkaroon ng 20% na fiber na siyang kinakailangan ng
ating katawan.
Bukod pa sa mansanas na mainam para makaiwas sa kolesterol.
Maigi rin ang mga pagkain gaya ng ubas, carrots, at soybeans.
Source:medicmagic.net
Comments
Post a Comment