Malaking benepisyo ang hatid ng mga healthy food na ito para labanan ang aging process. Kasama na riyan ang pagdami ng kulubot sa iyong mukha o wrinkles kung tawagin. Para mas mag-mukhang masigla at bata ang iyong pakiramdam ay subukan mong dagdagan ang servings ng mga pagkain na ito sa iyong daily diet kada linggo.
Ang pagkain ng spinach at beans. Ayon sa pagsasaliksik, ang
mga taong palakain ng mga madadahon at mabeberdeng gulay ay mas kaunti ang
wrinkles kaysa sa hindi. Ang mga pagkaing gaya ng mga nabanggit ay may mga
compound na tumutulong i-repair ang mga na-damage na skin cells at pati
i-preserve ang iyong balat upang ito’y maging bata.
Ang pagkain ng sunflower seeds. Ito ay mayaman sa vitamin E
na isang importanteng nutrisyon para magmukhang bata.
Ang pagkain ng sweet potato. Agad tayong tumatanda kahit
hindi pa man dapat kapag tayo ay masyadong expose sa sikat ng araw. Ang pagkain
na ito ay tumutulong na maiwasan ito at lumalaban pati sa pagkasira ng ating
balat. Mayaman din ito sa beta-carotene na tumutulong i-build up ang ating skin
pigment para maiwasan ang pagkasira ngbalat dulot ng ultraviolet rays.
Ang pag-inom ng grape juice. Ito ay nakatutulong upang
maiwasan ang atake sa puso at stroke. Maiiwasan ang paglulundoy ng balat sa
pag-inom nito, lalo na iyung mga nasa middle age na. Puno kasi ito ng
anti-oxidant polyphenolsna tumutulong upang maging flexible at elastic ang
ating balat.
Bukod sa mga pagkain na ito, malaking tulong din ang Vitamin
C para maiwasan ang pagdami ng wrinkles at iba pang senyales ng pagtanda. Kaya
maigi rin ang pagkain ng orange at lemons dahil mayroon ang mga ito ng vitamin
c na kung tawagin ay L-ascorbic acid na mabuti sa kalusugan ng ating balat.
Source: tips4me.com
Comments
Post a Comment