Hindi lang basta nakatataba ang pagkain ng burger at fries, pwede ring magkaroon ng asthma ang isang taong mahilig sa pagkain nito. Bukod sa pinatataas nito ang inflammation sa respiratory tract, ang mga high fat foods gaya ng mga nabanggit ay dahilan din kung bakit hindi madaling magamot ang asthma mula sa mga therapy.
Ang pag-aaral ay ginawa ng isang grupo ng mga scientist sa
University of Newcastle, idagdag pa ang mga ebidensya na ang ibang salik gaya
ng kapaligiran at dyeta ay naka-aapekto sa development ng asthma.
Wala mang sapat na ebidensya pa ang resulta ng pag-aaral na
ito ay rekomendado pa rin ng mga expert na bawasan ang pagkonsumo ng high fat
food para kontrolin ang asthma. Ayon pa sa mga ito, ang dietary adjusment ay
kinakailangan at isang importanteng estratehiya para labanan ang asthma.
Ang asthma ay isang chronic condition na nangyayari kapag
namaga ang bronchial.
Source: medicmagic.net
Comments
Post a Comment