Ang hirap sa pagdumi o constipation ay isang sakit na kahit na sinong taong makaranas nito ay gagawin ang lahat para ito ay masolusyonan. Ito ay hindi karaniwang pagbabago sa bowel pattern na iba’t iba ang atake sa tao. May mga taong nakararanas ng bowel movement tatlong beses isang linggo.
May mga ilang sanhi ng constipation gaya ng kakulangan sa
fiber, kulang sa pag-inom ng tubig, hindi pag-eehersisyo at pati pag-inom ng
mga gamot.
Kung may mga sanhi ay may mga madaling paraan naman para
makaiwas sa constipation gaya ng mga sumusunod:
Kumain ng mga pagkain na mayaman sa fiber gaya ng mani,
seeds, whole grains at sariwang prutas at gulay.
Pwede ka ring sumubok ng mga laxative na pwedeng inumin ng
walang preskripsyon gaya ng psyllium, methylcellulose at pectin.
Uminom ng walong basong tubig sa isang araw.
Ugaliin ang pag-eehersisyo ng 20- 30 minutos kada araw.
Nakatutulong ito sa ating digestive system.
Mag-set ng oras para sa iyong pagdumi at sanayin sa ganoong
oras ang iyong digestive system. Maaaring gawin ito sa umaga o pagkatapos mong
kumain. Pwede kang maupo sa toilet ng 10 minutos pero tiyaking huwag mong
pupwersahin ang sarili na makadumi.
Huwag mong pigilan ang sarili mo kung nadudumi ka na.
Huwag mo ring pwersahn ang bowel movement dahil magdudulot
lang ito ng almoranas at blood pressure problem.
Source: medicmagic.net
Comments
Post a Comment