Skip to main content

5 Natural Antibiotic Laban Sa Bad Bacteria


Kung hindi madalas ang pag-reseta ng antibiotic sa iyo ng doktor ay hindi naman nangangahulugang gusto ka niyang magdusa ng matagal sa iyong sakit. Nagiging maingat lamang sila sa pagbibigay ng antibiotic para sa kanilang pasyente. Sapagkat ang modernong medisina at labis na gamutan sa nakalipas na mga dekada ay naging dahilan na rin upang ang bacteria ay makalaban sa bisa ng antibiotic.
Kung binigyan ka ng antibiotic, ibig sabihin lamang ay kailangan mong labanan ang impeksyon. Sa kabilang banda, kung di naman malala ang iyong sakit tulad ng pagkakaroon lamang ng ubo at sipon, may malaking benepisyong hatid ang iba’t ibang halamang gamot pati na rin mga masusustansyang pagkain upang palakasin ang immune system.

Heto ang lima sa mga natural na antibiotic para labanan ang bad bacteria:

Pulang sibuyas. Ang sulfur content mula sa sibuyas ay naglalaman ng diuretic at antibacterial substances. Isang mabisang expectorant para sa ubo ang syrup mula sa pulang sibuyas. Makatutulong itong alisin ang mucus at iba pang materyal sa ating baga. Pwede rin nitong pataas ang daloy ng dugo at protektahan ang katawan laban sa inflammation.

Bawang. Isang natural na antibiotic ito mula pa noon hanggang sa ngayon laban sa ubo at trangkaso. Ang allicin chemicals mula sa bawang ay nagdudulot ng matapang na lasa para rito ngunit nakapagbibigay naman ng therapeutic substances tulad ng pampatanggal ng sakit o paggamot sa karamdaman. May mga pag-aaral din na sinasabing ang bawang ay nakapagpapababa din ng kolesterol at presyon ng dugo. Higit ding mabisa rin ito sa food poisoning kumpara sa ibang medication.

Green Tea. Hindi man sapat ang antibiotic, napatunayang mas lalong magiging mabisa ito dahil sa green tea. Bukod sa may antioxidant ito na may hatid na benepisyo sa katawan, mababa rin ang caffeine content nito dahilan upang mas lalong maging epektibo ang antibiotic sa pagpuksa ng bacteria.

Honey. Mabisa ang honey sa mga sugat at impeksyon lalo na iyong Manuka Honey na mula sa mga bubuyog na makikita sa manuka plants na tanging sa New Zealand At Australia lamang makikita. Isang kilalang antibiotic din ang honey. Mayroon itong antimicrobial enzyme na pampaalis ng Hydrogen Peroxide. Pwede nitong pahintuin ang paglaganap ng bacteria at pwede rin itong luna sa internal at external bacterial infection kabilang na ang stomach ulcer.

Echinacea. Bilang isang plant extract, ito ay mabisa sa kagat ng mga insekto,bacteria at virus. Pinalalakas rin nito ang immune system upang mabilis na labanan ang impeksyon. Mahigit 58 porsyento ang baba ng panganib na magkaroon ka ng trangkaso sa pagkonsumo mo ng halamang gamot na ito. Kumain lamang nito sa loob ng ilang linggo sapagkat nababawasan din ang pagiging epektibo nito. Inumin mo ito’t lalo’t masama ang iyong pakiramdam sa panahon ng taglamig at pakiramdam mong humihina ang iyong resistensya.
Source: medicmagic.net

Comments

Popular posts from this blog

Pamahiin Tungkol Sa Kasal (WEDDING SUPERSTITION)

Punumpuno ng mga superstitious beliefs ang mga pinoy tungkol sa kasal (wedding). Kahit na moderno ang panahon ngayon, marami pa rin ang naniniwala sa mga pamahiin wala man itong lohikal na paliwanag o syentipikong eksplanasyon. Nandun pa rin kasi sa atin 'yung pag-uugali na wala namang masama kung maniniwala kaya kahit ipagpilitan pa ng iyong lolo na ito ay coincident lamang, hindi pa rin ito mawala-wala. Magkagayunpaman, hindi mahalaga ang mga ito. Ang mahalaga ay punumpuno ng pagmamahalaan ang mag-asawa, nagtitiwala at may commitment sa isa't-isa at ang kanilang paniniwala sa basbas ng Diyos na sila ay pinagsama upang maging maligaya habambuhay. Anu't-anuman, narito ang ilang paniniwala na sinusunod magpahanggang ngayon at mga hindi na dahil ang iba ay wala na sa hulog. Hindi dapat na isinusukat ng bride ang kanyang wedding dress bago ang kasal dahil baka hindi ito matuloy.  Ang kutsilyo o iba pang mga matutulis na bagay ay hindi dapat na ipinanreregalo sa ikakas...

Tips Para Mawala Ang Sinok (HICCUP)

Hindi kaaya-aya sa pakiramdam ang sinukin (HICCUP) lalo’t nasa harap ka ng isang importanteng meeting o di kaya nama’y first time mong maka-date ang iyong nililigawan. Paano ba mawala ang sinok? Heto ang ilang tips para mawala ang ganitong pakiramdam. Pigilan mo ang iyong paghinga hangga’t sa makakaya mong gawin ito. Takpan mo ng iyong mga daliri ang iyong magkabilang tenga at malumanay na pisilin matapos ang ilang minuto. Yumuko sa baywang at uminom ng tubig habang nasa ganoong posisyon. Kumain ng luya. Sumipsip ng hiniwang kalamansi o lemon. Lumagok ng isang kutsaritang suka Mahigpit na takpan ng paper bag ang iyong bibig. Pagkatapos ay huminga at bumuga ng hangin sa loob ng paper bag. Lumunok ng isang kutsaritang asukal at pagkatapos ay uminom ng tubig. Magpuno ng tasa ng tsaa mga hanggang 2/3 ang pagkapuno. Sunod ay maglagay ng nakasaliwang kutsarita. (i.e ang hawakan sa tasa) at uminom ng normal. Magiging abala ka sa kutsara na huwag malaglag sa tasa habang ikaw ay umii...

Children’s Protection: Tungkol Sa R.A no. 7610

Nakababahala ang dumaraming kaso ng hindi magagandang insidente na nararanasan ngayon ng mga menor de edad sa kamay ng mas nakatatanda. Ang mga nakatatanda na dapat sana’y gumabay at magbigay tulong sa mga kabataan upang maabot nila ang kanilang pangarap ang sila pang nagiging hadlang para masira ang kinabukasan ng mga batang ito. Alamin ang tungkol sa proteksyon ng bata laban sa mga ganitong klaseng pang-aabuso. Ito ang kaalaman tungkol sa karapatan ng bata laban sa mga mapang-abuso sa ilalim ng R.A no. 7610. Ang insidente ng karahasan sa mga menor-de-edad, halimbawa ay ang pagpapakita ng ari ng matatandang lalaki sa batang paslit ay maituturing na isang paglabag sa Republic Act (R.A) No. 7610 o ang tinatawag na “Special Protection of Children Against Abuse, Exploitation and Discrimination Act.” Nakasaad sa Section 3  (b) ng article I ng nasabing batas ang mga gawain na maituturig na child abuse: “Section 3. Definition of Terms. – x x x (b) “Child abuse” refers to the ...