Kung may nakapagsabi lang sa atin na ang labis na panonood ng t.v ay maaaring magdulot ng mabagal na pagtubo ng buhok, eh matagal na sanang laos ang t.v. Nakatatawang isipin pero totoo na ang labis na panonood sa telebisyon ay naka-aapekto sa daloy ng ating dugo sa buhok. Dagdag rin ito sa stress, at apektado rin ang postura ng ating katawan. Magiging sanhi lang rin ito ng matamlay at buhoy na walang kabuhay-buhay.
Bago pa mangyari iyan, heto ang ilang paraan o mga simple
exercise na pwede mong gawin para mapagbuti ang daloy ng dugo sa ating buhok
upang magresulta sa pagkakaroon ng long and shiny hair.
Abutin ang mga daliri sa paa. Hindi lang ito ehersisyo para
lumiit ang iyong baywang. Opo, ito rin ay may benepisyong hatid sa buhok.
Tumayo na magkahiwalay ang mga binti, huminga ng malalim at ibuga. Sabay sa iyong
paghinga ay ang pagtaas ng iyong mga kamay. Iunat ito pagkaraa’y abutin ang
iyong mga paa ng dahan dahan. Gawin ito ng anim na beses sa isang araw.
Isa pang ehersisyo. Tumayo na magkahiwalay ang mga paa,
huminga at bumuga ng hangin. Sabay hatakin mo ang iyong buhok na malapit sa
iyong anit ng dahan-dahan lamang. Gawin ito ng dalawa hanggang tatlong beses sa
lahat ng parte ng iyong buhok.
Kung marunong kang mag-head stand ay gawin ito. Mapapagbuti
rin nito ang blood circulation sa buhok para ito ay maging malusog. Kung hindi
mo kayang mag-head stand, isang alternatibo ang paghiga at pagtaas ng iyong mga
binti ng 90 degrees na posisyon. Kung tinatamad ka, maaari ka ring sumandal sa
pader. Ang postura na ito ay makakabuti sa daloy ng dugo ng buhok .
Pwede rin ang pagtayo, tumingin ng deretso at pagkatapos ay
ibaling mo ang iyong ulo sa kanan sunod ay sa kaliwa. Tumingin muli ng deretso
pagkaraa’y tumingala sunod ay yumuko. Ibalik ang deretsong tingin sunod ay
iikot-ikot ang iyong ulo.
Source: tips4me.com
Comments
Post a Comment