Maraming bitamina ang siyang mapapakinabangan ng katawan mula sa pagkain ng strawberries. Pero hindi lahat ng tao ay pwedeng kumain ng prutas na ito dahil may ilan ang nagkakaroon ng allergy matapos kumain ng prutas na ito.
Isang maituturing na versatile fruit ang strawberries sapagkat
mayaman ito sa nutrisyon gaya ng Vitamin C, iron,pottasium , folic acid, at iba
pa.
Ngunit ang pagkain ng strawberries ay may sanhi ring allergies
sa tao. Mas pangkaraniwan itong nangyayari sa mga sanggol pa at mga batang nasa
toddler stage.
Nangyayari ang allergy kapag itinanggi ng katawan ang
protein na hatid ng prutas na ito. Kapag tinukoy ng immune system na isang
mapinsalang substance ang protein na makukuha sa strawberry, ito ay magdudulot
ng allergic reaction.
Ito ang ilan sa mga sintomas ng allergy mula sa pagkain ng
strawberries:
Pamamanhid at panginginig ng bibig
May init na madarama sa labi
Sakit sa tiyan
Pamumugto ng bronchial tubes
Diarrhea
Dermatitis
Nagtutubig ang mata
Pamumugto ng dila, bibig at ng lalamunan
Karamihan sa mga nakararanas ng allergic reaction ay mga
taong matapos kumain ng strawberry o kumain ng mga produktong yari sa prutas na
ito.
Source: medicmagic.net
Comments
Post a Comment