Madalas nating talakayin ang tungkol sa iba't ibang halaga ng mga prutas at gulay sa ating kalusugan ng ating katawan. Para sa araw na ito, malalaman mo ang iba't ibang health benefits ng asparagus apricot at ng apple.
Ang pagkain ng isang apple o mansanas sa isang araw ay magpapalayo sa iyo sa sakit sapagkata mahusay itong sandata sa kalusugan ng katawan. Mas mainam kung kukonsumuhin pati balat kung saan nagtataglay ito ng metabolism-boosting fiber na mahusay sa katawan.
Ang kalahating tsaa na nilutong asparagus ay nakapagbibigay ng mataas na bilang ng Vitamin K at A at B vitamins tulad ng folic acid. Mainam ang asparagus sa pagmantina ng blood sugar ng isang tao at tuluyang maitaboy ang type 2 diabetes.
Ang prutas na apricot naman ay mayaman sa beta carotene na may kakayahang lumaban sa banta ng cancer at sakit sa puso, maging na rin ang maprotektahan ang sarili laban sa panlalabo ng paningin.
Ang pagkonsumo ng tatlo o higit pang serving ng prutas na mayaman sa Vitamin A,C at E at carotenoids tulad ng nabanggit ay nakapagpapababa sa banta ng mascular degeneration.
Isama na rin natin ang prutas na pakwan. Ang pakwan ay matubig at masarap na prutas na na punumpuno ng arginine, amino acid na mahusay sa hangaring makapagbawas ng timbang ng isang tao.
source: Bulgar credits to No Problem ni Ms. Myra
Comments
Post a Comment