Nakaka-irita kapag may tumubong malaking tagyawat o acne sa mukha. Lalo’t sa mga babae ay nais nila ng agarang lunas para rito. Para sa agarang lunas na hindi mo na kinakailangan pang bumili ng mamahaling make up care. Ito ang tatlong madali at natural na paraan para gamutin ito. – ayon sa Shineyahoo.
Aspirin. Hindi lang isang pain reliever ang aspirin.
Makaiiwas ka rin na maging severe ang kondisyon ng acne sa paggamit mo nito.
Mag-take ng isang aspirin, durugin mo ito hanggang sa magpino at ihalo sa tubig
hanggang sa mangapal. Ipahid ito sa tagyawat ng ilang minuto. Kapag tuyo na ay
hugasan na ito ng tubig. Makatutulong ito na makaiwas sa pamumula at hapdi ng
acne.
Olive Oil. Maghalo ng 4 na kutsarang asin at 3 kutsarang
olive oil. Ipahid ito sa iyong mukha gamit ang brush o di kaya ng iyong daliri.
Banlawan ang mukha ng maligamgam na tubig pagkaraan ng isa hanggang dalawang minuto.
Gawin mo ang treatment na ito dalawa hanggang tatlong beses
sa isang linggo. Makakakita ka ng totoong pagbabago sa balat ng iyong mukha.
Ang asin ay nakapaglilinis ng pores sa pamamagitan ng exfoliation, ang content
na mineral ay nakatutulong para maging malusog ang balat. Ang olive oil naman
ang siyang nagpapanatili na ma-moisturize ang balat.
Toothpaste. Gumamit nito sa gabi hanggang sa matuyo
paggising mo kinaumagahan. Nakatutulong ang toothpaste para matuyo ang acne at
mahigop ang langis sa balat. Kung sensitive ang skin mo ay huwag mo itong gawin
sapagkat pwede itong dahilan ng skin irritation.
Source: medicmagic.net
Comments
Post a Comment