Ilang pag-aaral na ang nagsasabing ang aerobic exercise at tamang dyeta ay makapagpapaiwas sa tao sa banta ng stroke. Maging alerto sa iba pang pwedeng maging sanhi ng stroke tulad na lang ng kulang sa tulog. Bukod pa riyan ay maging mapili rin sa mga kinakain sapagkat may mga pagkain na akala mo’y hindi nakapipinsala sa katawan pero kabaligtaran pala ang hatid sa kalusugan.
Kaya maigi ang pagkakaroon ng healthy lifestyle. Bukod sa
ehersisyo at regular na pagpapa-check up, bababa ang panganib na magka-stroke
kung iiwasan mo ang mga pagkain na ito:
Ang mga processed food tulad ng crackers, chips, pastry at
baked foods ay naglalalaman ng trans fats na makikita sa hydrogenerated oil na
ginagamit para magtagal ang isang pagkain. Ang trans fat ay sagabal sa daloy ng
dugo sa ating utak, nagpapataas ng inflammation at ng level ng C-reactive
protein at ang panganib na magka-stroke.
Maging alerto, ang hydrogenerated oil na ito ay ginagamit
din sa french fries, frozen foods, processed snacks, microwave popcorn, cake
mix, whipped cream at pati maging sa salad dressings. Kaya’t mainam na tignan
muna ang label bago bumili.
Delikado naman ang labis na sodium consumption sa katawan.
Mataas ang concentration ng salt na makikita sa sandwich o burger na naglalaman
ng beef. Pwedeng makasira at magparupok sa blood vessel ang sodium nitrate at
nitrite na ginagamit sa pagpoproseso ng meat. Kaya’t iwasan ang labis na
pagkain ng smoke meat at processed meat. Mas maigi ang kumain ng tuna meat na
mayroong olive oil at hummus, peanut butter at prutas.
Ang pag-inom ng soda araw-araw ay nagpapataas sa banta ng
stroke ng 60 porsyento. Mas malapit sa sakit sa puso at iba bang coronary
disease ang mga taong mahilig sa pag-inom ng diet soda.
Ang mga chicken noodle soup naman ay naglalaman ng 1,100 mg sodium. Tandaan na ang katawan
natin ay dapat lamang na kumonsumo ng sodium sa isang araw na hindi hihigit sa
1,500 mg. Kung lalabis, magdudulot ito ng pagtaas ng ating blood pressure.Doble
ang panganib ng stroke kung hindi magiging normal ang pagkonsumo ng rekomendadong
dami ng sodium ang iyong katawan.
Source: medicmagic.net
Comments
Post a Comment