Ang summer ay hind lang upang ikaw ay makapagpahinga sa bahay at magbabad sa telebisyon. Sapagkat pwede itong maging makabuluhan kung ikaw ay magbabakasyon. At para sa mga nais makapagbawas ng timbang ay pwede rin itong maging oras upang ikaw ay malibang sa mga ehersisyong pwede mong gawin sa labas ng bahay. Ito ang ilang summer workouts na pwede mong subukan para sa epektib na pagpapapayat.
Pwede mong subukan ang water sports. Maigi ang tubig para sa
iyong pag-eehersisyo habang mainit ang panahon. Maganda ito sa pag-eehersisyo
sapagkat mababa ang stress level na mararanasang ngiyong mga kasu-kasuan.
Subukan mo ang swimming, isang magandang uri ito ng workout
para sa cardiovascular system. Huwag mong ikulong ang iyong sarili sa ideyang
30 minutos dapat ang pag-eehersisyo. Sapagkat ang ilang recreational activities
gaya nito ay isang nakalilibang na ehersisyo. Pwede mo itong subukan:
Isa ring magandang aktibidad ang canoeing. Kung hindi ka
maalam rito ay pwede ka namang kumuha ng trainer para ikaw ay matuto. Maigi ang
canoeing sa iyong balikat, binti at sa muscle ng iyong leeg.
Masaya naman ang paglalakad lakad sa buhangin ng mga
dalampasigan o beaches. Higit pa ito sa pagte-treadmill sapagkat may extra
resistance ang kayang ibigay ng mga buhangin na ito. Kaya’t kung gagawin mo
ito, maiging ikaw ay nakayapak. Bukod sa paglalakad, pwede ka ring mag-jogging
o di kaya nama’y tumakbo.
Source: tips4me.com
Comments
Post a Comment