Pangarap ng ilan sa mga kalalakihan na magkaroon ng six pack abs. Mas turn-on daw kasi sa mga babae kapag malaki ang katawan nila. Isa ka ba sa kanila? Kung nais mong magkaroon ng six pack body, bukod sa pagpunta sa gym para magpalaki ng katawan ay iwasan mo rin ang pagkain gaya ng mga ito:
SUGAR AND WHITE RICE
Iwasan mo ang sugar at kanin dahil ang mga ito ay naglalaman
ng simple carbohydrates. Hindi lang nito pinapataas ang ating blood sugar kundi
pati mas pinadadami lang nito ang taba sa ating katawan at ito ay makakasira ng
muscle.
STARCH
Umiwas din sa mga pagkain na may starch. Iwasan mo ang
potato chips at french fries sapagkat lahat ng oil na mangangaling dito ay
magiging trans fat kalaunan ng iyong pagkonsumo.
FROZEN FOOD
Mapanganib din para sa iyo ang kumain ng frozen foods kahit
na iyong mga may low fat na label. Mas maigi ang freshed grilled meat kaysa sa
mga low fat packaged foods.
JUNK FOOD
At ang huli umiwas sa mga junk food tulad pati na rin ang
pagkain ng hotdog at pizza pie. Umiwas sa mga fatty foods na ito na
nakasasagabal sa arteries at pwede pang magdulot sa iyo ng diabetes.
Source: medicmagic.net
Comments
Post a Comment