Ang pulot-pukyutan o honey ay kilala bilang isang inumin na pampataas ng stamina at nagpapaganda ng katawan. Hindi lang iyan sapagkat ito rin ay mayroong antibacterial property na maaaring makagamot ng acne o malalaking taghiyawat.
Nagkakaroon ng acne o taghiyawat ang isang tao lalo't iyong mga nagbibinata at nagdadalaga pati na iyong malapit ng mag-menopause, dahil sa mga panahon na ito ang hormones ay nagiging sanhi ng labis na produksyon ng sebum, na kapag humalo sa mga bacteria ay magiging dahilan ng acne.
Ang proprionibacterium acnes bacteria o P. acnes ay puwersa ng mga bacteria na naninirahan sa balat ng tao na nagiging sanhi ng pagkawasak nito. Kapag mataas ang produksyon ng sebum, ang bacteria ay magiging sanhi ng malalaking taghiyawat.
Ang honey ay natuklasan nga na isang antibacterial para gamutin ang acne. Ito ay base sa pag-aaral na isinagawa sa University of Texas Health Science Center, natuklasan nilang ang honey ay mayaman sa sugar, kaya nakatutulong ito para hindi mabuhay ang bacteria.
Kapag ipinahid sa sugat o impeksyon, ang peroxide hydrogen na nilalaman ng honey ay magiging antiseptic para sa balat. Ang peroxide hydrogen na nabubuo kapag tinutunaw ang honey ay mabisang nakagagamot ng sugat tulad ng impeksyon ng acne.
Hindi tulad ng purong peroxide hydrogen, ang antiseptic level na gawa sa honey ay hindi nakapipinsala sa balat.
source: medicmagic.net
Comments
Post a Comment