Heto ang ilang natural na paraan para mawala ang dark
circles sa paligid ng iyong mga mata
Magdampi ng bulak sa isang binalatang hilaw na patatas.
Ipikit ang mga mata at ilagay roon ang bulak. Siguraduhing natatakpan ng bulak
ang paligid ng mata kung saan ang pangingitim. Iwan roon ang bulak at pagkatapos ay maghilamos.
Pwede mo ring gawin ang paggawa ng mixture mula sa isang
kutsarang kamatis at lemon juice. Ilagay lamang ito sa pangingitim ng mata.
Gawin ito dalawang beses isang araw.
Isa pang alternatibo ang pag-inom ng isang basong tomato
juice na may halong dahon ng mint, lime juice at asin. Inumin ito ng dalawang
beses isang araw. Bukod sa mawawala ang dark circles sa paligid ng mata ay
magiging maaliwas din ang iyong mukha.
Kung pagod ang mata, mainam ang magtapal ng mint leaves, ito
ay magbibigay ng malamig lamig na pakiramdam dito.
Bago matulog ay huwag kalimutang magpahid ng cream na
mayroong vitamin E at C sa nangingitim na mata.
Source: medicmagic.net
really
ReplyDeletePwede po ba yung toothpaste daw? Ilalagay sa dark circle?
ReplyDelete