Napatunayan na ang guyabano o guava ay isang mahusay na
prutas na mayroong mataas na concentration ng antioxidant na pumoprotekta laban
sa cell damaga na nagdudulot ng pagtanda ng balat na maaaring magresulta sa
cancer.
Bukod sa guava ay mayroon ding Indian plum – tanim ng mga
british na magsasaka sa bulubundukin ng Himalaya – mansanas at mangga.
Natuklasan ng mga scientist sa National Institute of India
sa Hyderabad na ang concentration ng antioxidant ng guyabano ay nasa 500 mg per
100 grams, 300 mg naman ang sa plum, at 135 naman sa pomegranates.
Ang mansanas ay mayroong quarter ng antioxidant ng guava
habang ang saging naman ay mayroon lamang 30 mg per 100 grams. Ang pakwan at
pinya naman ay may kaunting proteksyon lamang na hatid laban sa mga free
radical na sanhi ng skin damage.
Kahit pa mataas ang fructose ng mangga ay mayroong 170 mg ng
antioxidant, tatlong beses na higit sa papaya. Mas masustansya naman ang ubas
kumpara sa orange.
Pinapayuhan ng mga experto na kumain ng prutas na may mataas
na dami ng antioxidant lalo’t sa panahon ngayon na moderno na ang pamumuhay ay
malapit na tayo sa free radicals na nakapipinsala sa ating cell membranes.
Mainam ang guava sapagkat bukod sa mura na ito rin ang
siyang may mataas na antioxidant kumpara sa ibang mga prutas.
Source: medicmagic.net
Comments
Post a Comment