--> Ang malalaking tagyawat lalo’t malala na o severe acne ay kadalasang hirap ng lunasan ng iba’t ibang medikasyon. Ang ibang kaso ng acne ay kinakailangan ng treatment mula sa antibiotic. Ngunit hindi basta-bastang antibiotic ang dapat na inumin. Nararapat ang preskripsyon o kumonsulta sa iyong doktor.
Hindi naman lahat ng kaso ng acne ay kailangan ng
antibiotic. Sapagkat sa kabuuan, ito ay binibigay lamang sa mga taong may
malalalang kaso ng acne. Kaya sa ganitong kaso, kinakailangan na ma-assess ka
muna ng iyong physician para malaman kung severe acne ba ang sa’yo o hindi.
Sa kabuuan, ang mga acne na severe ay mayroong nodular at
cystic acne. Sa ganitong kaso, ang mga dermatogolist ay nagbibigay na ng
preskripsyon na antibiotic. Lalo’t iyong mga mantsa sa mukha ay maaaring
panggalingan pa ng iba pang impeksyon sa balat. Kung mababaw lang naman ang
acne ay hindi na kailangan pa ng antibiotic.
Ayon sa about.com, ang mga binigay na antibiotic ay gumagana
sa iilan lamang na mekanismo. Pero ang importante ay ang pababain nito ang
bilang ng mga bacteria sa loob at sa palibot ng follicles.
Isa pang bisa ng antibiotic para sa tagyawat ay ang
pagpapababa sa chemical irritation na nililikha ng white blood cell,
pagpapabawas sa konsentrasyon ng mga free fatty acid sa sebum at pati na rin
pagpapabawas sa inflammatory response.
Ito ang ilan sa mga antibiotic na binibigay para makalaban
sa severe acne:
Tetracycline- ito ang pinaka-popular na preskripsyon na
antibiotic para sa acne. Ang dosis ay dumedepende sa dami ng acne lesions, kung
nakikitang kumokonti na ay binabawasan na ang dosis. Hindi ito dapat na ibigay
sa buntis o mga bata na 9 years old pababa.
Erythromycin- ang antibiotic na ito ay mayroong
anti-inflammatory properties na nakababawas sa pamumula sa acne lesions at
pinapatay din nito ang bakterya. Ang dosis ay dumedepende kung paano ang
paggamit. Maaaring magdulot din sa’yo ng abdominal pain at nausea.
Minocycline- tulad ng tetracycline ay madalas din itong
gamitin at epektibo din na acne treatment. Ang unang dosis ay kadalasang 50-100
mg kada araw. Pero ilan sa side effects nito ay pagbabago sa kulay ng iyong
balat at ngipin lalo’t gagamitin mo ito sa mahabang panahon.
---
Hanapin sa Lazada ang alternatibong pamahid sa tagyawat.
---
Hanapin sa Lazada ang alternatibong pamahid sa tagyawat.
Source: medicmagic.net
-->
Comments
Post a Comment