Ang pagkakaroon ng malaking tagyawat o acne ay nakakabuwisit lalo na sa babaeng sobrang conscious sa kanilang hitsura. Hindi man nakamamatay ang pagkakaroon nito, ay syempre sa pagnanais nating magkaroon ng makinis na mukha, tiyak na gagawin natin lahat para puksain ang malalaking tagyawat sa mukha.
Para maibalik sa dating kinis ang mukha ay maraming paraan
para mawala ang acne. Ngunit may mga medikasyon din na bagamat epektibo ay
mayroon din namang side effects. Kaya marami sa atin ang mas pinipili na lang
ang detox dahil ito ang pinakaligtas na paraan para makapagpaalam na sa
malalaking tagyawat nang mukha.
Maraming salik kung bakit tayo nagkakaroon ng acne tulad ng
polusyon sa kapaligiran pati na rin sa mga pagkain na ating kinakain. Ang mga
chemical toxins na ating nalalanghap at naipapasok sa ating katawan ay nakahahadlang sa ating
metabolismo na sa kalaunan ay resulta na ng paglitaw ng acne.
Kaya naman ang pinakamabisang paraan para alisin ang acne na
dulot ng polusyon at pagkain ng mga ‘di masustansya ay ang detoxification o
detox. At kagandahan pa nito, ay madali lamang itong gawin at sundin sa
pamamagitan ng pagbabago sa iyong diyeta upang mas maging malusog.
Ayon sa Buzzle, ito ang paraan kung paano gawin ang Acne
Detox. Ito ay pinakita ng biotechology expert mula sa bansang India na si
Saptakee Sengupta.
Ito ang Diet Menu na rekomendado:
Simulan mo sa pag-aalmusal ng mga pagkain na mayaman sa
fiber para matanggal ang kolesterol at sobrang fats sa iyong katawan. Piliin
ang lemon juice o di kaya’y maligamgam na tubig para sa iyong inumin. Lagyan mo
ng pulot-pukyutan kung iyong nais.
Kumain ng prutas araw-araw lalo na ang ubas, lemon at
cantaloupes.
Maigi ang mga fresh juice na may antioxidant. Sa tuwing
gagawa ka ng fresh juice ay huwag mo itong lagyan ng asukal. Maigi ang acai
berry, cran berry at blue berry para gawing juice.
Para naman sa tanghalian, dapat na kumonsumo ng mga gulay na
mayaman sa bitamina at mineral gaya ng kintsay, carrots,
broccoli,pipino,kamatis,patatas,repolyo at pati na yogurt.
Para sa maximum detoxification, uminom ng bitter juice na
may halong kalabasa,beet,karot at kamatis at turnip.
Bago naman matulog ay kumain ng masustansyang prutas gaya ng
mansanas, pakwan, peaches, duhat, avocado, at aprikot.
Ito naman ang listahan ng mga pagkain na dapat mong iwasan
para maging matagumpay ay iyong acne detoxification: matatamis na inumin, hipon
lalo’t kung allergic ka sa seafood,pusit at iba pang uri ng isda,mga pagkain sa
lata gaya ng sardinas o iyong mayroong MSG, iwasan ang vegetable oil, mga
pagkain na may harina gaya ng wheat at tinapay, limitihan din ang pagkain ng
mantikilya, itlog, at iba pang dairy products gaya ng ice cream at keso atbp.
At ang huli mas maraming gulay dapat ang iyong kainin imbes na mas maraming
karne.
Source: medicmagic.net
Comments
Post a Comment