Sa mundo ng medisina ang sakit ng ulo o headache ay kilala sa tawag na Cephalalgia. Ito ay kondisyon ng sakit ng ulo sa parteng batok o itaas na bahagi sa likod ng ulo. Kapag may sakit ng ulo, madalas iniinuman kaagad natin ito ng gamot at matutulog. Pero alam ninyo bang may mga pagkain na pwedeng lunas sa sakit ng ulo:
Kumain ng mga pagkain na maraming tubig at mineral gaya ng
pakwan. Ang mga pagkaing gaya nito na mayaman sa nutrisyon at liquid ay
makatutulong sa pagpapahupa ng sakit ng ulo.
Kung ikaw ay nasa low-carb diet, mag-ingat din sapagkat ang
kaunting dami ng carbohydrate na iyong kinokonsumo ay pwedeng maging dahilan ng
headache. Kapag nasa ganitong dyeta kasi ay nababawasan ang glycogen na siyang
energy source ng ating utak. Kung bababa ito ay magdudulot ito ng sakit sa
ating ulo.
Kaya’t kailangan mo rin ng carbohydrate, pwede mo itong makuha sa
whole wheat bread o brown rice na mayaman din sa fiber.
Lunas din sa sakit ng ulo ang pagkain ng almond sapagkat
mayroon itong magnesium na nakapagpapatibay sa blood vessel, pinagagaan nito ng
maigi ang circulation ng dugo. Ang mga taong nakararanas ng migraine ay
rekomendadong kumain ng mga pagkain na mayaman sa magnesium gaya ng
saging,avocado, almond at brown rice.
Kung may headache ka, maaaring sanhi iyan ng kakulangan sa
calcium. Ang ating utak ay nakadepende sa calcium para ito ay maiging makagawa
ng tungkulin sa ating sistema. Para mapunan mo ang kakulangan sa calcium ay
pwede kang kumain ng yogurt o uminom ng gatas.
Source: medicmagic.net
Comments
Post a Comment