Marami na sa atin ang pamilyar na sa parsley sapagkat madalas itong maging garnish sa mga lutuin. Pero ang hindi alam ng marami ay ang mga benepisyong hatid nito sa ating kalusugan. Ang parsley ay may latin name na Petroselinum crispum. Ang halaman na ito ay mabisang gamot sa mga karamdaman tulad na lang ng breast cancer.
Ayon sa mga doktor, isa sa pitong halaman ang parsley sa mga
mabibisang alternatibong gamot sa mga karamdaman. Ang iba pang halaman na ito
bukod sa parsley ay luya, oregano, cinnamon, saffron, sage, at chili powder.
Maraming nutrisyon ang makukuha sa parsley. Bukod sa mataas
na level ng iron ay mayaman din ito sa calcium, protein, folic acid,
betakarotin, chlorophyll, antioxidant agents, antibacterial agent at maging mga
bitamina gaya ng A, B12 at C.
Ang mga benepisyo ng parsley ay hindi lang upang labanan ang
breast cancer. Sapagkat ito rin ay mabisang halamang gamot sa anemia, sakit sa
tiyan, sakit sa atay, high blood, kolesterol, bato, baga, menstrual
disturbances, paningin, ubo, lagnat, at pati na sa mabahong hininga.
Maraming paraan para kumonsumo ng parsley, pwede itong
isangkap sa lutuin at pwede ring gawing juice. Para sa medical therapy, pwede
itong ilaga. Pero huwag ding sosobra sa pagkain ng parsley sapagkat marami rin
itong oil content na maaaring maging lason sa katawan. Bawal rin ito sa mga
buntis.
Source: medicmagic.net
Comments
Post a Comment