Kung minsan nakararamdam tayo ng hiya na sabihin ang mga bagay na importanteng malaman ng doctor kapag tayo ay nagpapakonsulta sa kanya. Lalo’t kapag nagtanong na siya tungkol sa ating mga habit pati na tungkol sa ating lifestyle.
Importanteng malaman ng doktor ang mga impormasyon na
kanyang itinatanong sa iyo para malaman niya at matukoy ang kondisyon mo at
kung paano ito magagamot. Bilang isang matalinong pasyente, heto ang limang
bagay na dapat sabihin mo sa doktor:
Ipaalam sa kanya ang mga iniinom mong vitamins, herbal at
iba pang health supplements sapagkat may mga gamot na maaaring mag-react sa mga
ito at magdulot ng side effects.
Umiinom ka ba o naninigarilyo? Sabihin mo ito kay doc. Mas
madaling matutunton ang sanhi ng iyong sakit kapag alam ni Doc ang tungkol sa
iyong mga bisyo.
Ipaalam kay Doc kung mayroong pagbabago sa iyong katawan
tulad ng pamamaga ng suso, kakaibang nunal na tumubo, at iba pa. Ikaw ang mas
higit na nakakaalam ng mga pagbabago sa iyong katawan kaya’t sabihin mo ito kay
doc para malaman mo kung mapanganib ba ito o hindi.
Stress ka ba o nakararanas ng depresyon? Ipaalam ito kay Doc
sapagkat may ilang physical health condition na may kinalaman sa pyschological
condition ng tao.Maaari kang i-refer ng doktor sa isang psychiatrist kung
nararanasan mo ang mga ito.
Mayroon ba sa pamilya mo ang may sakit o nakaranas na ng
sakit? Ipaalam kay doc ang iyong family health history para malaman ang tamang
diagnosis at kung paano ito magagamot.
Source: medicmagic.net
Comments
Post a Comment