Mabisa sa pagpapagaan ng pakiramdam ang tsaa o tea. Nakapagpapababa ng stress level ito. Bukod pa riyan, marami pang health benefits ang makukuha sa pag-inom ng tsaa.
Ilang libong taon na rin ang nakalilipas, ang tsaa pa rin ay
itinuturing na isang masustansyang inumin. Ano nga bang tsaa ang dapat na
inumin para sa kalusugan ng ating katawan? Ito ang apat na tsaa para sa
kalusugan na dapat ikonsumo sa araw-araw.
Darjeeling Tea. Ito ang world’s finest tea ayon sa ulat ni
Oprah. Ang tsaa na ito ay makikita sa kabundukan ng Darjeeling India.
Benepisyo: Mahigit 15 hanggang 20 porsyento ng populasyon
ang tinamaan na ng bacterium na kung tawagin ay
H. pylori. Ang bacteria na ito ay nagdudulot ng chronic stomach disease,
at kanser sa tiyan. Ngunit ayon sa pag-aaral ang tsaa na ito ay mabisa upang
labanan ang pagdami ng ganitong klase ng bakterya.
Oolong Tea. Semi-fermented ang pagpoproseso sa dahon ng
Oolong. Ang mga dahon ng chinese tea na ito ay maiging dinudurog upang maglabas
ng antioxidant.
Benepisyo: Ang pag-inom nito araw-araw ay makatutulong upang
makaiwas sa hypertension. Mayaman ito sa antioxidant at nagko-kontrol sa
enzymes at pagtaas ng blood pressure.
Black Tea. Fully fermented ang tsaa na ito. Ito ay upang
lumabas ang lasa, kulay at aroma nito. Kapag ito ay naluto ang kulay nito ay
pula.
Benepisyo: Ang theaflavins na makikita sa tsaa na ito ay
isang antioxidant compound na nagpoprotekta sa utak laban sa mapanganib na
sakit. Ayon sa mga German researchers, nakatutulong ito upang gamutin ang sakit
na Alzheimer at Parkinson’s Disease.
Yerba Mate Tea. Lasang damo ang tsaa na ito mula sa South
America. Para hindi masyadong mapait ang lasa ay hinahalo ito sa maligamgam na
tubig imbes na sa kumukulong tubig.
Benepisyo: Tulong ito
upang labanan ang mga cancer cells. Wala ring masamang epekto ang pag-inom nito
kung ikaw ay may madalas na problema sa iyong panunaw.
Source: medicmagic.net
Comments
Post a Comment