Popular dahil na rin sa sarap ng lasa nito ang pagkain ng Dark Chocolate. At bukod sa lasa ay mainam rin ito sa kalusugan ng ating puso. Maaaring makaiwas sa banta ng heart disease kapag ikaw ay mahilig sa pagkain na ito.
Ayon sa pag-aaral at pagsasaliksik na ginawa ng isang team
ng mga researchers sa Melbourne Australia ay natuklasan nilang ang pagkonsumo
ng 100 grams ng dark chocolate ay pwedeng makapag-iwas sa 70 non fatal
cardiovascular events at 15 fatal events kada 10,000 na ginamot ng 10 taon.
Kinumpirma ng mga tagapagsaliksik ang mga benepisyong hatid
ng dark chocolates kung ito ay regular na kakainin, dapat ay naglalaman ito ng
60-70 % ng cocoa. Hindi naman makapaghahatid ng parehong benepisyo ang pagkain
ng milk chocolate o white chocolate.
Ang cocoa ay kilalang pruta na mayaman sa flavonoid. Mayroon
itong antioxidant na kilala sa proteksyong hatid nito sa kalusugan ng ating
puso.
Pinatuyan pa nilang ang pagkain ng dark chocolate ay
nakapagpapababa ng blood pressure at nakapagpapabuti ng insulin sensitivity,
kaya’t pwede rin itong makapagpababa sa panganib ng diabetes. Ito ay patunay na
lamang na maraming benepisyo ang makukuha sa tsokolate.
Bukod sa mabuting hatid nito sa ating puso, ito rin ay nakapagpapabuti
sa ating mood at maigi rin sa ating mata.
Source: medicmagic.net
Comments
Post a Comment