Isang sikat na aktres mula sa bansang India ang noo’y nakatagpo ng isang inabandunang aso malapit sa kanyang bahay. Mayroong maliit na sulat mula sa tagapag-alaga nito na nakasukbit sa leeg ng aso na nagsasabing hindi na siya kayang alagaan pa nito. Labis na naawa ang aktres ng makita ang kalagayan ng aso na sa kanyang tingin ay dumanas ng maraming paghihirap mula sa kanyang amo. Sa pakikipag-ugnayan ng aktres sa isang ahensya sa India na nangangalaga sa mga hayop ay nailigtas ang aso.
Isa nang pangkaraniwang pangyayari sa buong mundo ang
pag-aabanduna sa mga alagang hayop tulad ng aso. Ikaw anong gagawin mo kung may
natagpuan kanghayop na inabanduna na lamang sa kalye?
Ito ang ilang tips na dapat mong gawin?
Maging handa sa pag-rescue. Sa susunod na makakita ka ng
isang abandoned pet ay maging mabuti kang samaritano at tulungan ito. Tumawag
sa anumang animal rescue center, animal welfare offices,24 hour veterinary
clinic, at iba pang ahensya na makatutulong sa pag-rescue ng hayop.
Matapos ang iyong kusang loob na pagtulong sa kawawang hayop
ay higit ka namang masusurpresa sapagkat hindi lahat ng mga animal welfare
center na iyong kinontak ay hindi tutugon sa iyong hinihinging tulong. Ngunit
huwag kang mawalan ng pag-asa at moral, sapagkat sa iyo nakasalalay ang
kaligtasan ng inabandunang hayop.
Paano mo lalapitan ang hayop na nangangailangan ng tulong?
Magiging mailap sa iyo ang hayop sa unang pagkakataon na
susubok kang siya ay lapitan sapagkat ito ay takot at humaharap sa trauma.
Pwede ka nitong layuan o di kaya nama’y sakmaling bigla sa ilan mong pagkilos.
Huliin mo muna ang kanyang loob sa pamamagitan ng iyong kamay, kailangang
maamoy niya na handa mo siyang tulungan.
Kung isa itong aso, malumanay kang magsalita kung susubok
kang lumapit sa kanya. Kailangang makita ka niya sa lahat ng pagkakataon.
Udyukin mo siyang lumapit sa iyo sa pamamagitan ng pagkain na may malakas na amoy
tulad ng tuna sa lata o tuyong atay. Kapag na-enganyo na siyang lumapit ay
itungo mo na siya sa isang ligtas na lugar.
Kapag ligtas na sa isang lugar ang kawawang alaga ay tumawag
ka na sa mga lokal na opisyal na tutulong mai-rescue ang hayop. Hingin din ang
tulong ng ilan sa iyong mga kaibigan at kapamilya. Pwede mo ring dalhin sa
isang beterinaryo ang kawawang hayop at mag-file ka rin ng complaint laban sa
tagapag-alaga nito.
Kung nawawala naman ang alagang hayop at tipong hindi naman
ito nakaranas ng kalupitan ay magsadya ka sa isang publication company at
mag-anunsyo tungkol sa nawawalang aso. Pwede mo ring gamitin ang ilang social
networking sites para sa kaalaman ng lahat.
Kung ramdam mo sa iyong puso na kaya mong iligtas ang
kawawang hayop ay gawin mo ang lahat ng iyong makakaya para siya ay maligtas sa
kapahamakan. Gagana ang iyong positibong enerhiya para sa ikabubuti ng kanyang
kalagayan.
Source: tips4me.com
Comments
Post a Comment