Ang pagbabago sa hormone sa panahon ng pagbubuntis ay nakapagdudulot ng kasiyahan sa mukha ng isang magiging ina. Ngunit madalas din sa mga nagbubuntis ang makaranas ng pagdami ng acne.
Sa panahon ng pagbubuntis, nagaganap ang ilang pagbabago sa
ating body hormone kasama na ang androgen na nagreresulta sa acne. Hindi mo man
kayang kontrolin ang mga pagbabago na ito, mayroon namang ilang hakbang na
pwede mong gawin upang makaiwas at lunasan ang acne.
Sundin ang ilang tips na ito na ibinahagi sa Modern Mom:
Maghilamos sa umaga at sa tanghali gamit ang mild soap na
wala masyadong fragrance at additives. Ang pregnancy hormones ay nagdudulot ng
labis na produksyon ng oil sa mukha kaya palagian kang maghilamos.
Iwasan ang mga matatapang na exfoliants sapagkat ito ay
makapag-iirita lamang sa iyong balat. Maigi na ang routine face washing para
makaiwas sa acne. Maigi rin ang paggamit ng room temperature water kaysa sa
maligamgam na tubig.
Tuyuin ang iyong mukha gamit ang malinis at tuyong tuwalya.
Pagkaraa’y maglagay ng light facial moisturizing cream. Ang paggamit ng
moisturizer ay nakapagpapaiwas sa balat na maka-prodyus ng labis na oil.
Baguhin ang iyong make up routine. Gumamit lamang nito kung
kinakailangan. Mas safe gamitin ang mga oil-free make up.
Iwasan ang paghawak sa iyong mukha. Importanteng makaiwas
ang iyong mukha sa excess oil at mga bakterya na nakapagreresulta ng acne mula
sa labas.
Kung nanlalagkit na ang iyong buhok, itali mo ito at
siguraduhing hindi ito dadampi sa’iyong mukha. May mga hair product din na
nakaka-irita sa balat.
Labhan ng regular ang punda ng iyong unan gamit ang
hypoallergenic detergent. Linisin ang telepono gamit ang antibacterial
cleanser. Lahat ng mga ito a makatutulong upang bawasan ang produksyon ng oil
sa mukha.
Laging uminom ng tubig at kumain ng sariwang prutas at gulay
para sa nutrients na kailangan upang ma-moisturize ang balat at mapanatiling
malusog. Iwasan ang mga pritong pagkain at tsokolate.
Kung ang mga hakbang na ito ay hindi naging epektibo sa
pagdami ng iyong acne ay magtungo na sa iyong dermatologist para sa agarang
lunas.
Source: medicmagic.net
Comments
Post a Comment