Praktikal na ngayon sa marami sa atin ang kumain na lang sa mga fast food chain para maibsan ang gutom, dala na rin siguro ng kawalan ng oras kaya hindi na natin magawang magluto pa ng ating uulamin.
Sa katotohanan pa, kapag tinignan mo ang nutritional value
ng mga junk food ay wala kang makikitang nutrisyon na kinakailangan ng kids mo
para sa kanyang paglaki. Kundi mga negatibong epekto lang ang kanyang makukuha
habang siya ay lumalaki.
Ayon sa pag-aaral ang pagkain ng junk food ay
nakapagpapababa ng I.Q, Sa edad na walo, dalawang puntos na mas mababa ang IQ
ng batang palakain ng junk food kaysa sa
mga batang kumakain ng masusustansiyang pagkain.
Ang pag-aaral na ito ay nagpatunay din na higit na mas
mataas ang IQ ng mga batang pinalaki sa breast feed ng hanggang siya ay
mag-anim na buwan, at mayroon regular na diyeta sa pagkain ng mga
masusustansyang pagkain tulad ng mani, keso, prutas at gulay hanggang siya ay
mag- 15 buwan hanggang isang taon. Pagsapit niya ng walong taon ay mas matalino
siya kaysa sa mga batang walang healthy diet.
Kaya’t mainam na ikonsidera ang pang-matagalang epekto ng
pagkain sa kalusugan ng inyong mga anak.
Source: medicmagic.net
Comments
Post a Comment