Para manatili pa ring healthy kung wala kang time mag-exercise ay kinakailangan na kumain ka ng mga masusustansyang pagkain gaya ng Brown Rice, Apple Juice, Cabbage at pati na rin Cauliflower. Heto ang ilan sa mga mabubuting dulot sa katawan ng mga pagkain na ito.
Ang brown rice ay para sa mas malusog na puso. Mainam ang pag-e-enjoy sa tatlo o higit pang serving ng whole grains sa araw-araw na tinatayang nakapagpapababa ng banta ng sakit sa puso at stroke ng hanggang 36%.
Ayon sa eksperto, ang pagkonsumo ng grain sa halip na refined rice ay pagyakap sa mas mataas na fiber at anti-oxidants na kapwa mahusay sa pagpapababa ng presyon ng dugo at pagtaboy ng cholesterol mula sa cardiovascular system.
Mainam ding halimbawa ang pagkonsumo ng oatmeal cookies at wheat crackers sa halip na chocolate chip/
Ang pagpakain ng gulay ay para sa maayos na kondisyon ng baga. Maraming tao ang nakararanas ng seryosong suliranin sa kanilang baga kung saan lumabas sa pag-aaral na kapag mas mataas ang konsumo ng broccoli sa katawan ay mas naitataboy ang banta ng suliranin sa baga.
Ang mga ito ay mainam na pagkunan ng natural sulforaphane, antioxidant na nakababawas sa implamasyon sa baga. Makabubuti ang isang tasa o higit pa ng naturang gulay araw-araw.
Ang repolyo at cauliflower ay nagtataglay din ng sulforaphane na nagbibigay din ng kaparehong benepisyo.
Ang apple juice ay para sa maayos na kondisyon ng utak. Naniniwala ang mga doktor na wala pa ring sinabi ang blueberry juice sa pagkonsumo ng apple juice na diumano'y mahusay na nagpapanatili ng maayos na kondisyon ng utak at nagtataboy ng banta ng dementia at Alzheimer's disease.
Mahusay ang pagkonsumo ng 12 onsa ng naturang juice sa araw-araw na tinatayang mainam din para mapanatiling matalas ang memorya.
Gayundin, bukod sa utak, ang mansanas ay nakapagpapababa rin ng LDL, cholesterol levels ng hanggnag 34%.
source: Bulgar column No Problem credits to: Ms. Myra
Comments
Post a Comment